Monday, January 17, 2011

Sumbong

WELCOME ROTONDA. EXT. DAY. Isang bunso, hila-hila sa braso ang kuya niyang siga. 


BUNSO: pinatakbo pa ako doon o! (turo sa kabilang kalye)


KUYA: Asan na yung mokong na yun? 


BUNSO: natakot yata nung tinawag kita. Umalis kasama nung iba.


KUYA: Abangan natin dito. Babalik din yung mga yun. (umupo ang magkapatid sa gutter ng kalsada)

**

E RODRIGUEZ. KANTO NG D. TUAZON. NIGHT. Isang baklang highschool na maliit ang polo ng uniform at kaklaseng tisoy na nakasando at nakasabit ang polo sa balikat. Umiiyak si bakla.


BAKLA: huhuhuhu...


TISOY: Kailan ka pa nila ginanon?


BAKLA: Hindi ko na maalala. 


TISOY: Bakit mo pinabayaang ganunin ka nila?


BAKLA: huhuhuhu...


TISOY: (himas sa ulo ni bakla, iniiwasan ang hair clip) hayaan mo, hindi ka na nila malalapitan ngayon.

**
Minsan, takot tayong humarap sa mga problema ng mag-isa lang. Minsan, ayaw natin matalo, kaya humahanap tayo ng mas malakas, at makapangyarihan na tutulong sa atin. Kadalasan, gusto lang natin magapansin. Dahil tayong mga Pilipino, mahilig sa drama. Lahat kumakampi sa kawawa. Kapag inaapi, dapat ipagtanggol. Kaya madaming galit kay Clara dahil sa pang-aapi niya kay Mara, kasi kawawa. Araw-araw, umiiyak.

Ni minsan ba, hindi natin inisip na baka defense mechanism lang ng mga kontrabida ang pang aapi at pananakit? Naniniwala ako na evil men aren't born, they are made. Men are good in nature, kahit hindi na ituro. Pero ang kasamaan, kailangan pag-aralan. Kasi, kung mali ang execution mo, maaaring masaktan ka din sa proseso. Kung mali ang panghoholdap mo, maaari kang makulong. Kung mali ang murder mo dahil nakalimutan mo ang kutsilyo sa crime scene, death penalty.

Hindi madali maging masama. It takes a lot of courage to kill a person, or to steal from someone. Kaya huwag din natin mamaliitin ang mga masasamang tao, dahil isang mabigat na pangyayari siguro ang na-encounter nila, isang loss, isang pagsubok na hindi nila kinaya. At ito ang nagtulak sa kanila para gumawa ng masama. Sila ang tunay na kawawa. Dahil wala silang masumbungan.

Maswerte na ang mga taong may nasusumbungan. Ibig sabihin noon, may handang magtanggol para sa iyo. May concern ba. May iiyak pag nasaktan ka. Nakakagana mabuhay kapag alam mong may mga taong handang tumulong at makinig.

Kaya naman imbes na galit ang isukli mo sa masasamang tao, subukan natin silang pakinggan. I've had my share of people na punung-puno ng bitterness sa mundo. Nagsisiraan, naghihilahan pababa. Nakakapagod ang ginagawa nilang plastikan sa mundo. Pero andun ako at nakinig sa bawat kwento nila sa buhay, may broken family, may baklang ayaw umamin, may unwanted child. Nakakaawa.

Naniniwala akong kaya natin baguhin ang mundo, one bad person at a time. Defense mechanism can only do so much. =)

No comments:

Post a Comment