Sunday, October 24, 2010

Ahas sa Panaginip: ano ang kahulugan nito?

Bago ako matulog kagabi, may nakita akong lumilpad na ipis sa kwarto. Hindi ako nakatulog hangga't hindi ko siya napapatay. Spray. Spray. Patay. Sa mga ganitong pagkakataon, namimiss ko si Inday. Malinis kasi siya talaga sa bahay. Kahit anino ng ipis, wala. Nakatulog ako na katabi ang spray na Baygon.

Pagkatulog ko, nagsimula akong managinip. Basahan. Basahang gumagalaw. Naglalakad. Sumilip ang ulo ng ahas sa basahan. Pak. Ahas sa panaginip? Hmmm...

So naghanap ako sa internet ng maaaring interpretation sa panaginip na ito. Karamihan sa searches, puro itong si Honorio Ong ang lumalabas. Major niya siguro ito. At ito ang sabi niya:

Ang ahas nga pala sa panaginip ay maaari ding ipakahulugan na "tukso" na siya ring unang Ahas na Dumaya sa Sanlibutan. Ito iyong ahas na nakapalupot sa Bawal na Bunga na kinain ni Eba nuong siya ay nasa Paraiso ng Eden. Sa makatuwid, sa malapit na hinaharap o sa kasalukuyan, maaaring nakagawa ka ng isang bagay na immoral, kaya lagi kang nanaginip ng ahas. At pagkatapos mong gumawa ng isang bagay na immoral, tinutukso ka ng ahas, upang ito ay muli mong gawin.

May pangatlo pa nga palang kahulugan ng ahas, kung saan,
kung ikaw ay isang estudiyante na nag-aaral ng medical related course,
nagpapakita sa iyo ang ahas, sa iyong panaginip, dahil ito ay isang
kasiguraduhan o garantiyak na matatapos mo ang nasabing kurso, at hindi ka lang
makakatapos, bagkus mapagtatagumpayan mo pa ang nasabing larangan at sa bandang huli ay magiging dalubhasa ka
sa nasabing kurso, sapagkat ang ahas tulad din ng korte ng ating utak, ay
sumisimbolo din ng wisdom.



**

Noong six years old ako, bumida si Carlo . Caparas sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga true stories ng massacre sa pelikula. Bagamat ayaw ni moomy na manood ako ng ganito, kapag pinapalabas sa tv, nanonood ako. Isa na dito ay ang Lipa Massacre: God save the babies. Bida dito si Vima Santos, at ang killer ay si John Regala.

Sa pelikula, may mga pinasok si CJC na ilang eksena na magapahiwatig ng kamatayan. Katulad na lamang nung babae na sumusunod kay Ate V kahit saan siya magpunta. Sa mall, sa kalsada, kahit sa loob ng bahay. Parang sundo ang ganap ng babae. Nakakatakot.

Isa din dito ay ang pagkakaroon ng ahas sa panaginip niya. Ito ang tumatak sa akin. Na kapag mananaginip ako ng ahas, may mamamatay. True enough, minassacre ang pamilya niya.

Buti wala nang massacre sa pamilya masyado. Sa politika naman lumipat ang sumpa. At least masasamang tao na ang pinapatay. (beep beep)


**

Balik sa aking panaginip. Yung ahas, nagtatago daw sa ilalim ng basahan nakalitaw lang ang ulo. Nag-panic ako tulad nung pagpanic ko sa lumilipad na ipis sa kwarto ko bago ako matulog. Sumampa daw ako sa kama at winarningan yung iba ko pang kasamahan.

Dahil daw naalala ko yung eksena ng ipis, nagbago ang panaginip ko. Tinanggal ko daw yung basahan, at hindi pala ahas yung nasa ilalim, kundi isang gecko, na may ulo ng ahas. At dahil lumilipad ang ipis, lumipad din ang pesteng gecko. Mas napraning ako. Gising.


**

Sa palagay ko, may naligtas akong tao na mahal ko dahil binago ko ang takbo ng panaginip ko. Yun eh kung tama si Carlo Caparas sa opinyon na tungkol sa mga ahas na nagpapakita sa panaginip.

Kung si Honorio Ong naman ang papakinggan ko, sabi niya ay may ginawa daw akong imoral at nais ko daw itong gaiwn uli. Hmmm, isip-isip. Teka...(part deleted).

I therefore conclude, na kung si Inday pa din ang yaya ko, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Baka ang nais iparating ng panaginip ko eh...miss ko na si Inday. Yun lang.

21 comments:

  1. pwede nyo po bang hulaan ang ibig sabihin ng panaginip ko,ang napanaginipan ko po kasi ay isang comet,nakalimutan ko na po kung nasaang lugar kami pero tatama daw samin ito,pero di daw natuloy dahil nung pagkatama nito samin bigla nlng daw naglaho tapos dun nlng ako nagising.
    At eto pa po, napanaginipan ko po ang isang time machine, meron po akong relo na kapag iniba mo ang oras ay mapupunta ka sa past or future. Nung isang araw, pumunta daw po ako sa bahay nung classmate(noong grade 1 pero ngayon di na) ko, at tapos pumunta nman po ako sa past, pumunta po ako sa bahay ng isa ko pang kaklase pero hindi nya po ako kilala, bago pa po pala ako pumunta sakanila,pumunta din daw po pala ako sakanila pero nung araw na yun kilala nya po ako, tapos nung ginamit ko daw po yung time machine, di nya na daw po ako kilala. At tapos nung sinabi ko po ito sa mga kapatid ko ayaw po nila maniwala saken.Sinabi ko po sakanila na kapag ginamit ko ito, mawawala po ako sa harapan nila at babalik muli.Pero di ko na po iyon nagawa dahil baka sa ibang lugar po ako mapunta, tapos dun na po ako nagising.

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa naman ang comment mo. at maraming salamat din sa pagbasa ng entry na ito. una sa lahat, hindi po ako talaga nakakpag interpret ng panaginip. nagkataon lang siguro na pareho yung napanaginipan ko doon sa pelikulang napanod ko dati, kaya ko siya madaling naiconnect--yung pagkakaroon ng ahas sa panaginip.

    magulo kasi din talaga minsan yung mga panaginip, ang bilis magpalit ng location. kaya naman paggising natin, nahihirapan tayong idikit-dikit yung mga kwentong nabuo natin sa panaginip.

    maswerte ka at madami-dami ang naalala mo sa napanaginipan mo. usually kasi, sa 100 kwento sa panaginip natin bawat gabi, isa o dalawa lang ang naaalala natin paggising.

    sa opinyon ko lang, at sana wag mo itong seryosohin masyado, yung mga taong napapanaginipan natin, maaaring may mahalagang tungkulin sa buhay natin. ako, personally, napapanaginipan ko madalas yung mga taong mahal ko. kasi lagi ko silang iniisip, na kahit hanggang sa panaginip, iniisip ko sila, unconsciously.

    Baka yung mga classmate mo sa panaginip mo eh magiging bestfriend mo in the future, o baka naman gusto mo silang maging kaibigan kaya ganun.

    yung comet at time machine naman siguro eh bahagi lang ng pagiging mapaglaro ng isip natin. dahil baka napapanood natin sa tv, sa sinehan, tapos naaalala na lang natin sila kahit tulog na tayo.

    basta wag natin masyado bigyn ng malalim na kahulugan yung mga ganitong bagay. ang mahalaga, yung present. yung totoong buhay.

    try mo din magdasal mabuti bago matulog. kapag ginagawa ko yun, usually, okay naman ang mga panaginip ko. =)

    Happy new year Miguel!

    ReplyDelete
  3. Pd poh aqng mgtanong qng anong ibig sabihin ang panaginip na 2 ahas na kulay puti ang at ang isa naman ay natural lang ang kulay kaso subrang laki nya.

    ReplyDelete
  4. Eh pag dalawang puting ahas n humahabol sakn takot n takot aqo dat tym taz gulat nlng aqo nong naabutan nla qo kc ang bait nla sunod lng cla ng sunod sakn taz my nkiya aqong pgkain pinakin qo s knila kinain nman nla,anu kya big sbhin nun,

    ReplyDelete
  5. Ano po ba ang ibig sabihin ng ahas sa panaginip ko pero di po nia ako kinagat sa panaginip ko..ano po ang kahulugan nito

    ReplyDelete
  6. Ano po ibig sabihin kapag nakakita ka sa panaginip mo ng puti at malaking ahas sa sobrang takot ko po sa ahas ng tinignan ako nito sa mata natakot ako at tumakbo at sinara ang pinto ng kwarto at nagliwaliw muna ako kasama ng mga kaibigan ko pero pag balik ko wala na yung ahas na yun. Medical course po kinukuha ko

    ReplyDelete
  7. Good am ano pong big sabihin ng panaginip na ahas nkagat ako sa pero un ahas nakdkit xa sa kisame ano po ibg sbhin nto tpos pilit po ako lmlban n mkhnap ng center na mkkpgpgling sakin pero un center na pnthan ko is wla gmit prs sa kagat ng aso maraming slamat po

    ReplyDelete
  8. ano naman po meaning pag sawa ung ahas

    ReplyDelete
  9. Ask q lng sana ano kahulugan ng panaginip m eh maliligo k sana kasoay 3 ahas sa harapan mo sa kaliwa at kanan itim at sa gitna dilaw n may puti binalak m lumas ng pintuan kasi takot ka pero palapit sau ang isa kaya inunahan m na kinuha mo un buntot at hinawakan ang ulo at nag tatakbo sa labas pinasagasaan sa kalye ang isa sa ahas sa right side mo... Tas kinausap m asawa mo na pumasok at alisin ang ahas sa loob ng bahay pero pag pasok niyo wala na tas nagising kna...

    ReplyDelete
  10. Good am
    Sor/maam


    Ako poy nanaginip ng mga ahas naka harang sa daanan maliliit na ahas lamang sila minsan my nakita akong dalawang ahas nag aaway din.
    Pero karamihan bumbalik sa panaginip ko ay yung mga ahas na maliliit na naka harang sa daan minsa sa damuhan. Naka tawin naman ako. Pero di ko lasi alam anu ibig sabihin nun.
    Isa po akong tao nag hahanap o nag babalak na mag hanp ng trabaho ngayun na end of conrract kasi ako.

    ReplyDelete
  11. Good am
    Sor/maam


    Ako poy nanaginip ng mga ahas naka harang sa daanan maliliit na ahas lamang sila minsan my nakita akong dalawang ahas nag aaway din.
    Pero karamihan bumbalik sa panaginip ko ay yung mga ahas na maliliit na naka harang sa daan minsa sa damuhan. Naka tawid naman ako. Pero di ko kasi alam anu ibig sabihin nun.
    Isa po akong tao na nag hahanap o nag babalak na mag hanp ng trabaho ngayun na end of conrract kasi ako.

    ReplyDelete
  12. Ito po ay Hindi panaginip..may nkita po ako ahas s loob ng bahay sa tapat ng pintuan namin. Pinatay ko po ang ahas. Ano po kahulugan nito.

    ReplyDelete
  13. Napanaginipan ko po hinahabol ako ng isang itim at malaking ahas kasama ko kaibigan ko. Pero nahuli kami pareho pero siya lng kinain ng ahas ako hindi.. nakaligtas ako at nakapagtago at hindi nakita ng malaking ahas. Anu po ibig sabihin?

    ReplyDelete
  14. ano po ba ibig sabihin ng napanaginipan kong ahas na marami na maliit na ahas sa loob ng kwarto at pagtingin ko may isang ahas na sawa na malaki na parang sila yun nanay ng ahas dahil yun mga ahas na maliit na nakita ko parang bagong pisa pa sa itlog nila sobra dami nila ahas na maliit sa loob ng kwarto .nakaramdaman ako ng takot pero kalma lang ako dahil hindi naman ako inaano paki sagot po pls. salamat po

    ReplyDelete
  15. Napanaginipan kopo ang ahas na kulay yellow na may itim sa harap ng bahay pero po patay na po siya sa panaginip ko Tapos po may mga maliliit na ahas ganun din ang kulay dalawa po sila Pina patay kopo pero hindi kopo mapatay ano po kaya ibig sabihin nun pakitulongan naman po ako please para po malaman ko

    ReplyDelete
  16. Hello po,kaninang umaga po nanaginip ako na nandun ako sa isang lugar na my mga malalaking punong kahoy kasama ko ang maam ko tapos narinig ko na sinabi ni maam na my nakita akong ahas bigla akong napalingon sa itaas ng kahoy at dun nakita ko ang ahas na sobrang malaki at malapad ang katawan tapos bigla kaming tumakbo at kanya kanyang pasok sa aming kwarto at nakatulog ako pero nagising ako ng makita ko iyong malaking ahas na kulay orange po tapos bigla niya akong sinunggaban at kinagat iyong kamay ko dahil hinarang ko iyong ahas.please pakisagot,salamat..

    ReplyDelete
  17. Nanaginip po ako ng isang malaking sawa na nakapalupot po sa aking bayaw at kanyang asawa at kanyang dalawang anak ano po ba Ang maaring ibig Sabihin nito ang sawa ay nanggaling sa isang malaking sofa ayon sa aking panaginip.

    ReplyDelete
  18. Hello po,alas 6 ng umaga nanaginip po ako,nasa isang lugar po sa loob ng bahay hindi ko alam ko anong klaseng bahay ako kasi my malaking ahas dun na sawa,iyong mga nakita kong ibang tao parang wala lang sa kanila iyong ahas tapos ako sobra ng takot,nkapa ikot lang iyong ahas tapos iyong buntot niya parang kumakaway tapos pa unti unti akong dumaan sa kanyang buntot hindi ko sinasadyang nadikit biglang iyong kamay ko sa kanyang buntot hayun bigla akong tumakbo pababa tapos nakita ko na sinundan ako ng ahas,tapos bigla akong lumuhod nagmamakaawa na hwag kagatin,humihingi ako ng sorry,pero na bigla ako kasi hindi niya ako kinagat,iniwan niya ako dun..tapos lumapit ako sa mga nka upo kasi my nakita akong kaibigan tapos pglapit ko nakita ko ulit iyong ahas parang nilalaro niya iyong lalaki na katabi namin tapos lumapit ulit iyong ahas sa akin,parang gusto niyang makipagkulitan sa akin tapos pumikit ako dahil takot na takot ako at dun po nagising na ako.

    ReplyDelete
  19. Pakisagot po ng panaginip ko..hindi ko maintindihan alas 6 ng umaga ay nanaginip pa ako

    ReplyDelete
  20. ako po ay nanaginip na natuklaw ung paa ko ng ahas ano po ibig sabihin nito?

    ReplyDelete
  21. Ano po inig sabihin na nakapanaginip ka nang nag aaway na ahas??

    ReplyDelete