Minsan, nabanggit ng isang babaeng kaibigan na posible daw na ako ang mapangasawa niya. Naisip ko, hmm, pwede nga naman.
Kagabi, nanaginip ako. Handa na daw siyang magpakasal. Gusto na raw ng pamilya niya, at gusto na din daw niya dahil may trabaho naman daw kami at nasa wastong edad na. Kinabahan daw ako dahil pakiramdam ko, yung joke niya dati ay parang commitment ko na din sa kanya, at napilitan akong ikasal sa kanya dahil hindi ako marunong tumanggi.
Hiniling ko na lang daw na itago namin ang kasal sa buong mundo. Secret wedding kumbaga. Sa makatuwid, sa kwarto ko naganap ang kasalan. Bago magsimula ang seremonya, bumisita ang isang kaibigan na lalaki sa bahay. Isang malapit na kaibigan.
"Bakit bihis ka? Anong meron?"
"Ah, eto, wala. May meeting ako mamaya eh."
"Naks! Coat!"
Bumalik ako sa kwarto at nakita ang aking bride-to-be. Nandun din ang kanyang pamilya. Yung akin, wala. Inisip kong tawagan ang pamilya ko, kahit nanay ko lang. Para man lang sa kasal ko, kahit secret, kahit biglaan, alam niya. Pero naisip ko, wag na lang. Itatago ko na lang sa kanya.
Sa kalagitnaan ng seremonya, kumakatok ang tropa sa pinto ng kwarto ko. Sinilip ko at sinabing, "sandali na lang, bababa na ako".
Natapos ang kasal.
Diretso labas kami ng mga tropa at uminom. Akala nila, normal boys night out, ayun pala, wedding reception na ang dating sa akin.
Pagkalipas ng isang araw, nasa bahay daw ako, Facebook mode. Naalala ko bigla na kasal na pala ako. Shet. Tinawagan ko si asawa. Kinamusta. Empty. Blanko.
Dumating ang pamilya ko sa bahay. Hindi daw ako makakilos ng tama. Hindi ko matingnan sa mata ang nanay ko. Nakaklungkot na parang ewan. Ganito pala ang pakiramdam.
Nagising ako na mabigat ang loob. Feeling ko, I cheated. Kasi sa panaginip ko, kinasal ako. Pakiramdam ko, taksil akong anak, kaibigan, lover, kapatid, lahat na. Kasi nilihim ko sa buong mundo ang kasal ko. Then it snapped. Panaginip lang pala. Panaginip lang.
RANDOMS.
haha. cool! at least you woke up! XD
ReplyDeletehaha, onga eh! -wado
ReplyDelete