Ininspeksyon ko ang bahay pagka-dating ko sa Lucena. Kung malinis ba, kung safe pa bang tirahan, kung hindi ba maiinip ang nanay ko kapag wala kami. Napapansin ko kasing napapadalas ang pagbisita nila sa Manila lately, kaya naman ako nagiging ganito kapraning.
Buti na lang at abala ang mom ko sa bago niyang hobby, ang Herbal Life. Busy siya sa pag attend ng seminars, sa pagpapagawa ng Nutrition Center sa Lucena, sa pagbebenta ng Herbal Life stuffs. At least hindi siya bored. Same goes with my dad who just lost the elections, mas may time na siya with my mom, with the business (minus the kupit please?), at sa Herbal Life.
Naisip ko, okay na din siguro, kesa naman sa wala silang pinagkakaabalahan.
Sa loob ng kotse, nagtanong si dad.
Happy ka na ba sa work mo? Okay naman sweldo?
Hindi sapat compared sa iba. Charity work minsan.
Ganyan din sa barangay eh. Kaya hindi na din ako masyado nangampanya nitong huli.
(*Ah, buti na lang hindi ako nag donate ng limang sako ng semento sa kampanya mo, hindi ka naman ala seryoso eh.)
***
Anyway, malungkot ako ngayong araw. Bothered. Pressured. Stressed. Ewan.
Kainag tanghali kasi, pinag uuspaan namin ang bazaar ng GMA7 na kasali kami. Sa Nov. 27 (punta kayo please? Sa World Trade Center. Two weeks.) Eh bilang hindi ako Commerce, wala ako masyadong alam sa ganito. Ako ang pinapamahala ng lahat.
Isa pa.
Ang renovation ng IIBB na matagal nang pinangarap ng nanay ko. Sana matuloy na sa tulong ng aking mga mapagmahal na kaibigan. Si Tutch, si Fritz, si Reynard at si Joselle. Pabalik kami ng Lucena sa Nov. 2 para isaayos ang lahat ng bagay. Hirap lang kausap ni ma na gusto magrenovate, pero ayaw pakawalan ang karamihan sa mga concept at design ng IIBB. Magiging mahirap yata ito. Pero para matapos na at wala na siyang masabi pa, sige na. Tapusin na natin ito.
Magpapahinga muna ako mula sa totoo kong trabaho para pagbigyan ang mga magulang na ito. Kanila na muna ang atensyon ko.
Kanina, para masaya sila...
Kanina, dahil araw ng mga patay at narealize ko ang ikli ng buhay...
Kanina, para naman makasama ko ng masaya at mas mahaba ang mga magulang ko...
Kanina, para kahit sa biglaang pagkakataon, maka-pasyal ulit kami ng buo...
Nakita ko ang 50% seat sale ng Cebu Pacific. Singapore, for 6 agad. Wala nang isip-isip pa.
Na-miss ko ang pamilya ko. Kanila muna ako. Ang trabaho naman, nanjan lang, mawala man, makakahanap ka din ng iba. Ang pamilya, isa lang. Makulit man minsan, magulo at pabagu-bago ang isip, hahanapin mo din yung kakaibang lambing na kahit sa kaninong tao mo hanapin, aminin mo, sila lang ang may kakayahang makapagbigay.
No comments:
Post a Comment