Thursday, November 11, 2010

Kapag namatay ang taong pinakamamahal mo

Pagkabukas ko ng Facebook, halos gusto kong maiyak.Hindi dahil sa lungkot, pero dahil masaya ako para sa isang kaibigan. Nakita ko ang picture nila ng boyfriend niya na nasa chartered plane, across Mt. Pinatubo crater, para sa kanilang anniversary. Sa totoo lang, hindi ko ineexpect na magiging ganito siya kasaya, lalo na nung matapos ang relasyon niya sa isang kaibigan ko na din, na nag suicide.

Noong una, duda ako sa relasyon nila ng present boyfriend niya. Mula sa relasyon sa kapwa babae, parang nahirapan ako sa shifting na ginawa niya. Parang mahirap yata yun. Akala ko kasi, kapag oras na pumatol ka sa kapwa mo, habambuhay ka nang ganun. Kaya hindi ako naniwala sa bago niyang boyfriend. Pero sa paglipas ng isang taon nilang magkasama ni boyfriend, at sa limang taon na nakilala ko itong kaibigan ko, ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya.

Alam mo yung pakiramdam na genuine yung happiness mo para sa isag tao? Walang bahid ng inggit, pagkamuhi. Basta masaya ka lang para sa kanya, yun na. Nung mamatay kasi yung ex niya, hindi ko alam kung paano siya makakarecover. Una, tago ang relasyon nila sa mundo. Open lang sila sa mga close friends niya kagaya ko. So nung mamatay si ex, hindi ko alam kung paano niya naitago yung sakit, yung mga sleepless nights, yung pagsisisi, yung mga what if's niya. Ang hirap kasi talaga nung sitwasyon nila. Feeling ko, wala akong magawa. Wala naman kasi talaga akong pwedeng gawin. Prayers lang.

Nakita ko yung shift niya, from miserable to wow. Siguro nga, may purpose ang pagpapakamatay ni ex, para makita ni friend ang true love niya. Baka kasi kung hindi siya nagpakamatay, hanggang ngayon, nagtatago sila sa closet, tago sa pamilya, tago sa mapanghusgang mata ng lipunan.

Life gives us options, and our decisions do not assure us of the future we want. We may make wrong calls, and people might not like it. But let us bear in mind that these decisions we make, they define who we are. We may be wrong, so what? Sometimes we need to fall to learn how to stand up by ourselves. if we're wrong, so what? Nobody said we have to do everything right, we just have to make every mistake and every wrong decision count.

No comments:

Post a Comment