Now as tradition calls, we need to prepare a surprise party for her. Now she's not allowed to read this blog until tomorrow night, or else the surprise will be spoiled. =)
**
Remembering Foursome is like going back to one of the best college memories I had. It was definitely a huge chunk of college I could not live without.
The last time we went out together as a group was seven months ago. It was at Jalapeno's, Metrowalk.
The last time we went out happy, was almost a year ago, Christmas time at Keema, Keema.
Anniversary na pala namin eh. Anniversary ng hindi pagiging okay. I vividly remember how we started not being okay. I was there, and I tried out for the role of hero. A hero to the point where in the middle of finals week, sleepless nights and cups of coffee, I had to travel from Timog to Ortigas at 4 in the morning just to fix a fight over something which all four of us normally agree about... a fucked up movie. Had I known that that fight marked the end of what could be a wonderful friendship, I would not have tired myself too much trying to bring us back together for the past eleven months.
Paano ba nagsimula ang Foursome. History class, LISTEN UP!
Nagsimula ito sa Wednesday group composed of Me, Mac, Cookai, Chandra and Dana. Nabuo ang grupo na ito habang nagshooshoot ng documentary for Thailand kung saan kagrupo ko si Cookai.
Hindi kami close ni Cookai at Dana noon, pero magkasama kaming tatlo sa isang grupo para sa DCATCH. nagkataon na ang docu namin ay tungkol sa Marikina, at si Chandra at Mac ay taga Marikina. Right after noong shoot namin, nagdecide kaming uminom sa Gerry's Grill. Nagbonding, natuwa sa bagong mukhang nakilala, at eventually, naging regular na ang paglabas namin tuwing sasapit ang Wednesday. Inom, kain, tambay, kahot ano, basta wednesday. Kung bakit kami naging Wednesday Group, hindi ko alam.
Si Mac ay may bestfriend na si Miko. Medyo malakas ang pagbubuild-up ni Mac kay Miko sa grupo, na umabot sa point na naisip namin na, bakit hindi natin siya isali? Nagkataon naman na nung pumasok si Miko sa eksena, eh medyo napapadalas ang pag-absent ni Dana tuwing wednesday dahil sa kabilang barkada niya na nagtatampo sa kanya.
Akala namin, phase lang ito, hanggang sa nasanay kami na wala si Dana, at nandyan si Miko. Dito nabuo ang isang powerhouse na grupo. Nagkaroon kami ng adventure sa hacienda nina Miko one time, inuman, lasingan, hanggang sa umabot sa puntong nagkalabasan na ng mga sama ng loob dahil sa kalasingan. Eventually, nawala si Mac dahil sa dalawang rason. Una, dahil nagtatampo na din ang isa niyang barkada dahil mas madalas na siya sa amin sumasama. At pangalawa, dahil may mga unresolved issues sa aming lima na hindi namin mahanapan ng sagot.
Dito na pinanganak ang Foursome. Mula noon, hindi na kami mapaghiwalay na apat. Ito ang mga pinagdaanan namin:
discovering Ristras |
Ang pagtulong namin sa binahany bahay ni Cookai sa Bulacan. |
Ang aming first time sa fazolis. |
nung sumubok kami ng ibang inasal. |
ang paglilinis sa bhay ng tita ni Chands na tinamaan ng Ondoy |
ang basketball game na sinuportahan namin si Miko |
ang madalas na overnight sa Corinthians |
and hating kapatid dinner sa Chilis |
ang chat sessions namin all the way from Japan |
ang surprise namin ni Miko kay Chandra |
Ang BV dinner sa High Street na nauwi sa best nights ng grupo |
Ang memorable na Keema Keema |
Ang Mac ni Miko |
At finally, ang huling gabi namin bilang isang grupo. |
Ngayon siguro marahil ay pagod na ako. Maaring pagod, maaring kontento na na wala sila, maaring mas matured dahil ngayon, finally tinanggap ko na. College barkada nga lang talaga siguro kami.
Maraming salamat Foursome.
Salamat Cookai dahil sa puso na binigay mo sa grupo.
Salamat Chandra sa saya na hatid mo sa grupo.
Salamat Miko sa mga aral at payo mo sa grupo.
Salamat sa inyong tatlo, kahit papaano, naniwala ako sa friendship, na totoo palang may ganito.
Magkikita din tayo sa future, pero sa ngayon, isara natin ng maayos ang kabanatang ito. Paalam Foursome, minahal ko kayo. ='(
No comments:
Post a Comment