Natatakot lang siguro ako sa fact na maaring make or break ang pagtatayo ng negosyo dito sa Manila. Pwedeng gusto kami ng mga tao sa bazaar, pero sa real world, hindi na masyado.
Last taping namin sa HT, hindi ako umattend dahil busy ako sa bazaar. Ngayon, naisip kong i-give up ang aking tech P.A. position dahil frankly, ito ang kumakain ng oras ko sa buong linggo. Ang pagiging Supervising Editor ko naman ay once a week lang, yun nga lang, puyatan. Pero every Sunday lang naman ito. Kumbaga, pwedeng part-time. Pero ang Tech P.A., mga tatlong araw na stress at sermon sa loob ng isang linggo.
P500 lang ang sweldo ko sa Tech P.A., barya compared to the normal compensation na nakukuha ko sa pagiging S.E. na (part deleted). Hindi ko na maalala kung pano napunta sa ganitong setup ang lahat ng bagay, basta one day, ganito na lang.
Compared sa trabaho ng iba na petiks na, no-brainer pa, at halos pareho na kami ng kinikita, feeling ko, lugi ako. Buti na lang at binibigyan pa din ako ni Lord ng reasons to hold on sa trabaho.
Ngayon, ang dilemma ko eh kung saan ako pupulot ng taong willing magtrabaho sa halagang P500. 3 days a week, at 60% stress during taping. Ngayon ko lang narealize na talaga palang charity work itong ginagawa ko bilang tech P.A., kasi kahit ako, hindi ko maimagine ang ibang tao na gagawa nito. And frankly, nahihiya akong i-alok itong posisyon sa ibang tao, dahil hindi siya reasonable. Sad.
Pero dahil napaka-ganda naman ng trato ng buhay sa akin so far, at hindi naman ako nasesermonan so far, at malaki ang kinita ng bazaar namin so far, at may taong umiinspire sa akin so far, at masaya ang mommy ko so far, so farang tatanggapin ko muna pansamantala ang mga dagdag-isipin na ito.
GV photo of the week, ang dumog-tao na bazaar namin sa World Trade Center!
Kagulo moments sa IIBB booth |
Salamat kay Chef reynard at Pareng BJ for stopping by and lending a hand! |
Watch out for our upcoming booth at the World Bazaar Festival at the World Trade Center. Bigger. Bolder. Better. Bazaar runs from Dec. 3 to 16. Bazaar opens at 10am and ends at 12mn. Don't miss it! |
No comments:
Post a Comment