Monday, November 22, 2010

Barkada. Tropa. Pare. ( A Tribute to Mare-Pare)



Kanina, pinapanood ko sa Youtube ang opening billboard ng dati'y paborito kong show na TGIS o Thank God it's Sabado. Napaka-ideal ng barkadahan nila, kaya naman noong bata ako, pinlano ko na magkaroon din ng barkada with 8 members, ma-trap sa isang isla, ma-inlove sa isang kabarkada, at magtayo ng business kasama sila.

Pagdating ko ng highscool, medyo nakakabit pa dito ang konsepto ko ng pagbabarkada. Kaya naman inipon ko ang mga cool people na gusto kong kasama na ma-trap sa isla. Naghanap din ako ng mayaman, para may yacht kaming magagamit. Pero wala. Ang pinakamayaman kong nakuha ay si Jemae, may ari ng construction supplies.

At ang pinaka naging adventure ng barkada namin ay nung mapunta kami sa Bora at sinagot niya lahat ng gastos. Ang pangalan namin ay Rugratz. Cool no?

Pagdating ko sa college, lahat ay nag-iba. Dahil siguro sa culture shock mula probinsiya, straight to Manila. Kinaibigan ko ang mga taong lumalapit sa akin, hindi ako naging choosy. So nakontento na ako sa paisa-isa, dalawa, tatlo. Four at most.

Noong second year, may isa sa amin na nag debut sa Bulacan. Konti lang ang invited. Si Chisha, Joselle, Nicole, Bij, Mackie, Weil, Blae, Chuch. Doon na yata nabuo ang grupong Mare Pare o MP's. Lahat ng kasama sa debut ni Gie, kabarkada na, except kay Chuch na may sariling grupo, at kay Blae dahil...., hindi ko alam.

Medyo gumuho ang idea ko ng TGIS barkada sa MP, dahil madaming restraining orders. Yung iba, kailangan umuwi ng maaga, yung iba, kailangan mag-aral, yung iba, walang pera, yung iba, iba ang trip. Ayaw nila ma-trap sa isla, ayaw nila bumuo ng coffee shop as a barkada. Tutal, college na naman ako, sabi ko, "I'm letting go of the TGIS dream".

Hanggang ngayon, magbabarkada pa din kami, nadagdag lang si Milette, ang special friend ni Bij.

So siyam na kami lahat, lumampas sa walong ideal number ng barkada ayon sa TGIS. Pero okay lang, dahil iba ang excitement na hatid ni mommy Milette na may anak na. Nagkaroon ng kakaibang perspective ang grupo, mas mature, mas responsable, mas credible.

Nalulungkot lang ako sa isang bagay. Hindi ko pa din kasi nararanasan sa kanila ang umiyak sa palibot ng bonfire. Sabi ko, kahit ito na lang sana, matupad. Gusto ko kasi yung pakiramdam na nagkukwentuhan kami tungkol sa buhay, sa pamilya sa isa't-isa, habang umiinom ng beer, gumagawa ng smores, nag iihaw ng hotdog, nagyoyosi. Feeling ko kasi talaga, ganun ang barkada, kahit gaano pa ka-modern yan.

Binalikan ko ang apat na taon namin ng MP, hindi ako nakaranas na umiyak sa harapan nila. Yung thought na yun ang nakakaiyak. Kung tutuusin, konti pa lang ang mga naiyakan ko nitong college. Si Joselle, Cams, Miko, Chandra at Cookai. Tinanong ko tuloy ang sarili ko, nagtitiwala ba ako sa MP? Kung oo, bakit hindi pa ako nakakaiyak sa kanila?

Noong nareshuffle kami, at nalagay sa magkkaibang classes, doon ko na sinuko ang lahat. Sabi ko sa sarili ko, hindi na talaga kami matatrap sa isla. Nagkagulo, naghiwalay ng mga landas. Nanghinayang ako.

Although ngayon, pinipilit pa rin namin ang mga bagay. Pinipilit lumabas kahit na may tensyon na namamagitan. PInipilit lumabas, kahit busy sa work. Pinipilit lumabas kahit ayaw na makita ang isa't-isa. Pinipilit, kasi kahit ayaw aminin, umaasa pa din na maayos ang lahat, at dadating ang panahon na isa sa amin ay may yate na at matatrap kami sa isla ng tatlong araw. At doon, gagawa kami ng bonfire at iiyak sa balikat ng bawat isa.

Kaso, may sari-sarili na kaming buhay. At ang tanging rason na lang na nakikita kong get together ay birthdays, christmas party, at pagkuha ng yearbook.

Siguro mali ako na nag -expect ng cool at outgoing na barkada tulad ng sa TGIS. Nagkaroon ako ng girlfriend sa labas ng barkada. Hindi pa kami nag o-out of town ng buo maliban na lang kung may debuts. Kadalasan, by three's, two's, pero hindi by nine's. Tapos.

Maybe it's wrong to be choosing your friends. And I personally blame TGIS for being cool like that. Hindi kami cool lahat eh. We're a diverse group of people na pinag sama-sama para makita ang strengths and weaknesses ng bawat isa. May nerd, may musician, may athlete, may dancer, may leader, wisdom, may walang emosyon may komedyante, may drama queen, may emo (ako). hahahhah! And we're cool like that.

Pero dahil sa TGIS, may pangarap ako para sa barkada kong MP. Pangarap ko pa din na mag-isla kaming lahat. Kahit hindi na kami ma-trap, kahit hindi na kami mag bonfire. Basta may alak.

Pangarap ko din umiyak sa harapan nilang lahat, kasi doon ko lang masasabi na nagtitiwala na ako sa kanila. But I do trust them, hindi pa lang talaga ako naiiyak.


Pag nakaipon na ako ng pera, susubukan kong buuin tayong muli. Sana pagdating ng panahon na yon, handa na din kayo na makipag buo, makipag ayos sa isa't-isa, gamutin ang mga bukas na sugat. Handa na ulit sundan ang awitin ng buhay. Because we're growing up. (Theme song ng TGIS). At kapag matanda ka na, mamimiss mo din talaga ang mga ganitong bagay. Just like that.

2 comments: