Ngayon, medyo nalilito na ako sa work. Hindi sa ginagawa ko, kundi sa work description ko.
Hindi ko rin naman siguro ito mararamdaman kung walang work comparison mula sa ibang shows. Kaya as much as possible, hindi ako nagcocompare.
Comaparison aside, nakakalito pa din. Ako ay Tech P.A. at Supervising Editor at the same time. Pero bilang Supervising Editor ang pamagat ko sa CBB, ito ang mas pinapanindigan ko. Sideline ko na lang ika ang pagiging tech P.A. Kabisado ko na naman ang trabahong ito, so okay lang na ako pa din. Kumbaga, for old time's sake.
Wala naman akong naging problema sa compensation dati, kasi wala namang nagrereklamo sa trabaho ko. Pero kapag may naririnig ka na
"bakit hindi niya ginagawa ito?? Siya dapat mag pullout!"
"Dapat si Wado ang gumawa niyan!"
"Wado, kailangan ko ng billing."
...dito ako nasisira. Tingin yata nila eh hindi ko ginagawa ang trabaho ko ng mabuti.
For the past three consecutive tapings, smooth ang technicals. Pero may nasusumbat pa din sila. Na kung sa totoong buhay, trabaho na nila ang ginagawa ko. Husay. Ako na tuloy ang nahihiya para sa kanila.
Masasabing charity work ang pamumuno ko sa technicals dahil sa P500 na kita ko dito kada linggo. Walang binatbat sa normal na P2,500 P.A. sweldo ng tech P.A. per taping sa iba.
Pero hindi na lang ako nagsasalita dahil mahal ko ang karamihan ng tao sa trabaho, at ito ay ginagawa ko na lang para sa kanila, sa mga kaibigang nakita ko sa production, sa mababait na light director, cameramen, utility, service drivers, suppliers (Edwin ng RS, Rey ng Forscink, Weng ng MC Lights, at Monica ng Precision).
Sana lang huwag na nilang sumbatan ang pagiging relax ko pag taping habang sila ay ngarag. Hindi ko kasi kasalanan kung tapos naman na ang trabaho ko. Pag tapos ka na ba sa trabaho, ibig sabihin, kunin mo yung trabaho ng iba? Minsan, pag deserving, go. Pero nakakastress lang kapag tumutulong ka na nga lang, may manunumbat pa. Kung alam niyo lang ang ngarag ko before taping. Try niyo mag tech PA, tingnan ko lang kung hindi kayo magreklamo.
Nagsusulat ako hindi dahil galit ako, kundi dahil na-ooffend ako sa mga sinasabi ng iba, at sa mga pinapagawa na hindi ko naman sakop talaga. Kaya most of the time, ito yung mga pinapalpakan ko, kasi hindi ko trabaho, hindi ko kabisado.
Kung sa sumabtan ng trabaho, madami akong maibabato. Pero hindi ako ganun. Hindi ko ginagawa yun.
Sana bago ako punahin, isipin.
Tama ba ang ginagawa ko as opposed to what Wado is doing?
Magkano ba ang kinikita ko at ang kinikita ni Wado?
Is it me or is Wado being reasonable?
Kawawa si Wado, kasi Waldo ang tawag sa kanya ng ibang tao sa set.
***
Kasi feeling ko hindi na tama.
Sulat mo na lang Wado. Tao lang naman sila, puro salita. Isipin mo na lang, mahirap ang mga pinagdaanan nila sa buhay, ikaw hindi.
Isipin mo na lang, mahal ka ng mga kaibigan mo.
Isipin mo na lang, lagi mong naikikita si Carla Humphries pag taping.
Isipin mo na lang, mahal ka ng mga suppliers mo, at isang request mo lang, sunod agad sila.
Isipin mo na lang sina Mamfaye, Joselle, Ynah, Nins, Judy at Anthony na laging anjan para pasayahin ang taping.
Isipin mo na lang si Kuya Hapon na hinahatid ka sa bahay para hindi maholdap ang Macbook mo.
Isipin mo na lang ang makukulit na sina Mang Emmy, Mang Boy, at ang makwentong si Tatay Rigor.
Isispin mo na lang na dagdag kita din ang P500. Makakatulong ito sa Mac Fund.
Isipin mo na lang, Charity Work. Dahil sa dami ng blessings mo, mamigay ka naman daw.
Isipin mo na lang na hindi ito nakakalito. Tanggapin mo lang ng buo, maiintindihan mo.
No comments:
Post a Comment