Sunday, January 9, 2011

Eto na ang updates

Minsan sa buhay, pakiramdam ko dumarating talaga tayo sa ganitong point. Yung pagod ka na sa mundo, dahil paulit-ulit na lang yung nangyayari, parepareho yung mga mukha na nakakasalamuha mo, bored ka sa officework, tapos lahat ng palabas sa sine napanood mo na, gusto mong pumunta ng out of the country para maiba pero wala ka namang pera, kaya lalo kang nafufrustrate.

Ang pangit ng ganung feeling, na kahit sa pagsusulat, hindi mo maexpress kung gaano ka ka-frustrated.

Nawala na din pala yung purpose ko sa buhay. Yung pagiging optimistic ko about the future. After graduation kasi, pagpasok ko sa TV5, sigurado ako na gusto kong magtrabaho sa TV habambuhay. Gusto ko makatrabaho ang mga artista, ang puyatan sa taping, ang stress sa airing at iba pa. Gusto ko din yung feeling na madaming nanonood ng show mo, tapos aabangan nila yung pangalan mo sa CBB at saka ipagmamalaking kakilala nila yun. Sabi ko noon, gusto ko mag direct. Ngayon, parang ayaw ko na.

The problem with tv production, hindi mo maramdaman yung progress. Sure, TV5 is a growing network. Pero hindi naman kasi TV5 perse ang gusto kong tumbukin kundi ang tv production mismo. Wala kasi siyang gradual process unlike sa pelikula na inaabot ng months, o years ang paggawa. At ang final output mo eh yung kabuuan nung pelikula.

Sa mga architects, kapag nabuo na nila yung bahay, mag fulfillment kang mararamdman.

Sa mga duktor, bawat operasyon na successful, fulfill.

Sa mga lawyer, bawat kasong naippanalo, fulfill.

Sa mga piloto, new destinations, fulfill.

Laging may bago, hini siya routinary. Hindi paulit-ulit.

The thing with TV kasi, tulad ng show na hawak ko, every week ay may pinapalabas kami. So kung mag eedit ka ng isang episode, pag pinalabas na siya ng Tuesday, tapos na ang entire week's hardwork mo, at magsisimula na naman ang panibago. Wala kang oras para maappreciate yung victory nung nagdaang episode. Walang moment para i-admire yung magnificence ng script, ng shots, ng editing. Kasi mabilis lang dapat ang lahat. Dahil sa dami ng kalaban na channels, at maikli lang ang attention span ng audience, kailangan ibigay mo lahat.

Hindi ito tulad ng indie na pwedeng single shot throughout the film, five minutes mong ibabad ang isang eksena na walang nagaganap. Sa bilis halos ng pangyayari, hindi mo na namamalayan ang ganda ng gawa mo. Payof na lang siguro pag TV ay ang mataas na ratings. Doon mo mararamdaman ang appreciation ng tao para sa palabas mo. And of course, ang mataas na sweldo. Next topic.

***

Naka mindset na kasi ako na eto yung gusto kong trabaho. Direk Wado. Yan ang chant sa utak ko sa tuwing nagtatrabaho ako. Now that I lost all enthusiasm for the industry, nawalan ako ng kalalagyan sa mundo. Kasalanan ko din siguro na nag settle ako sa isang bagay lang ng ganito kaaga. Masyado pa akong bata para magdecide kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Now, I'm at the starting line.

Siguro, on a positive note, okay na din ito. Na magdedecide ulit ako kung anong gusto ko sa buhay. At least mas may alam na ako unlike noong unang sabak ko na wala talaga akong alam sa kung anong gusto ko. Ngayon, sigurado na ako, na hindi ako pang tv production (at least sa Pilipinas). Hindi ko kaya ang powertrip ng mga artista, ng mga nasa posisyon, ng mga "haligi" ng industriya. Hindi ko kaya ang pressure, ang demands. Hindi ko din ramdam ang payoff ng ginagawa dahil din sa bilis ng pacing. Paano pa kaya kung daily ang show ko, mas lalo akong malulungkot.

Para sa isang tao na carefree, hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong bagay. Dapat nga eh matuwa pa ako sa once a week kong pagpasok. More time to myself. Pero dahil nag-aalala din ako para sa future ko, kailangan kong isipin kung nadedevelop ba ako sa ginagawa ko. Kung gumogrow ba ako bilang professional. Kung kaya ko bang bayaran ang P120,000 monthly ng condo. Kung makakaipon ba ako para sa sarili kong kotse. Kung kaya ko bang maging bangka sa isang social event na hindi puro chismis ang tanong nila at kwento ko. Totoo nga yung sabi ng ilan, nakakapudpod ng skills ang tv, unless nasa creatives ka. Kasi lahat, may format. Walang personal touch.

Kung gusto ko talaga mag tv, kailangan buhayin kong muli ang libog para dito. Kailangang ma-enlighten mula sa mga taong nagdala sa akin dito in the first place: si Chinno na dating Star Cinema na ngayong adver na sa Singapore, si Mam Faye na TOMCAT adviser at nanay-nanayan ko sa UST noon at ngayon ay EP ko na sa show ko sa TV5, si Sir Arce na nag groom sa akin mula grade 4 hanggang highschool na ngayon ay kasama na ni Lord, ang UST na nagsabing magaling daw ako bilang media student. Kailangan kong balikan yung mga reason kung bakit ko isinuko ang pagiging piloto ko na ambisyon ko mula nung matuto akong magsulat sa slambook.

Aalis ako bago matapos ang buwan na ito. Isang linggong soul searching ang naghihintay sa akin. Hahanapin ko muna ang sarili ko, pagkatapos ay babalikan ko kayo.

Salamat sa lumalaking bilang ng mga nagbabasa at sumusuporta. Secret blogsit ko kasi ito, paano ninyo nalaman? mga adik. ahahaha! Salamat ulit!

Dahilsa nature ng trabaho ko, isa na siguro ito sa mga perks. Ang maging kaibigan ng mga celebrity. (with FHM January covergirl Carla <3)

No comments:

Post a Comment