Monday, January 3, 2011

A kid reads my blog

May blog ako dati tungkol sa panaginip ko na may ahas.


http://thefeverisalive.blogspot.com/2010/10/ahas-sa-panaginip-ano-ang-kahulugan.html


pagtingin ko kanina nung bagong feature ng blogspot tungkol sa COMMENTS kung saan summarized lahat ng comments ng blog mo, nagulat ako sa effort ng isang comment. Nagcomment siya sa blog ko tungkol sa ahas. Sabi niya:


pwede nyo po bang hulaan ang ibig sabihin ng panaginip ko,ang napanaginipan ko po kasi ay isang comet,nakalimutan ko na po kung nasaang lugar kami pero tatama daw samin ito,pero di daw natuloy dahil nung pagkatama nito samin bigla nlng daw naglaho tapos dun nlng ako nagising.

At eto pa po, napanaginipan ko po ang isang time machine, meron po akong relo na kapag iniba mo ang oras ay mapupunta ka sa past or future. Nung isang araw, pumunta daw po ako sa bahay nung classmate(noong grade 1 pero ngayon di na) ko, at tapos pumunta nman po ako sa past, pumunta po ako sa bahay ng isa ko pang kaklase pero hindi nya po ako kilala, bago pa po pala ako pumunta sakanila,pumunta din daw po pala ako sakanila pero nung araw na yun kilala nya po ako, tapos nung ginamit ko daw po yung time machine, di nya na daw po ako kilala. At tapos nung sinabi ko po ito sa mga kapatid ko ayaw po nila maniwala saken.Sinabi ko po sakanila na kapag ginamit ko ito, mawawala po ako sa harapan nila at babalik muli.Pero di ko na po iyon nagawa dahil baka sa ibang lugar po ako mapunta, tapos dun na po ako nagising.



Isang Miguel Canicosa ang nagcomment. Habang binabasa ko, nararamdaman kong isang bata ang nagkukwento sa akin. True enough, hinanap ko siya sa Facebook at bata nga ang kumakausap sa akin. 


Dahil diyan, ako ay nagpayo habang nasa isip ko kung anong klaseng impact ang kayang gawin ng mga sasabihin ko. Sinubukan kong maging impartial, honest, hindi pushy, at hindi nakakatakot.
 Ang sabi ko:


nakakatuwa naman ang comment mo. at maraming salamat din sa pagbasa ng entry na ito. una sa lahat, hindi po ako talaga nakakpag interpret ng panaginip. nagkataon lang siguro na pareho yung napanaginipan ko doon sa pelikulang napanod ko dati, kaya ko siya madaling naiconnect--yung pagkakaroon ng ahas sa panaginip.

magulo kasi din talaga minsan yung mga panaginip, ang bilis magpalit ng location. kaya naman paggising natin, nahihirapan tayong idikit-dikit yung mga kwentong nabuo natin sa panaginip.

maswerte ka at madami-dami ang naalala mo sa napanaginipan mo. usually kasi, sa 100 kwento sa panaginip natin bawat gabi, isa o dalawa lang ang naaalala natin paggising.

sa opinyon ko lang, at sana wag mo itong seryosohin masyado, yung mga taong napapanaginipan natin, maaaring may mahalagang tungkulin sa buhay natin. ako, personally, napapanaginipan ko madalas yung mga taong mahal ko. kasi lagi ko silang iniisip, na kahit hanggang sa panaginip, iniisip ko sila, unconsciously.

Baka yung mga classmate mo sa panaginip mo eh magiging bestfriend mo in the future, o baka naman gusto mo silang maging kaibigan kaya ganun.

yung comet at time machine naman siguro eh bahagi lang ng pagiging mapaglaro ng isip natin. dahil baka napapanood natin sa tv, sa sinehan, tapos naaalala na lang natin sila kahit tulog na tayo.

basta wag natin masyado bigyn ng malalim na kahulugan yung mga ganitong bagay. ang mahalaga, yung present. yung totoong buhay.

try mo din magdasal mabuti bago matulog. kapag ginagawa ko yun, usually, okay naman ang mga panaginip ko. =) 



***
Nakakagulat lang yung mga lugar na naaabot ng salita. Words are really powerful, written or said. Kaya dapat din maging maingat tayo sa mga sasabihin natin, dahil maaari itong ikasira, maaaring makasakit. Hindi natin alam. Kaya hangga't maari, isipin natin mabuti ang mga gusto tlaga nating sabihin bago natin ito sabihin. Para patas ang laban.


Yun lang. Ibinahagi ko lang kasi ang cute talaga!!! ahahah!



No comments:

Post a Comment