Kanina, sa subject namin na IMC, pinakuha kami ng personality test. Measure kung anong klaseng personality meron kami kapag nagtatrabaho. May tatlong categories, Dreamer, Realist at Builder. Unang tingin ko pa lang sa mga categories, alam ko na agad kung saan ako mapupunta kahit hindi ko sagutan yung quiz, at hindi ako nagkamali. Isa akong DREAMER.
Matagal ko na ding naiisip na mahilig talaga akong mangarap. Maupo lang ako sa isang lugar at may malawak na view (trees, tao...) basta may depth, madami na akong naiisip agad. Dito din siguro nanggaling ang pagiging kwentista ko. Mahilig kasi ako talagang mag-observe, dito ako kumukuha ng happiness, ng strength.
Bilang dreamer, hindi ako madaling makontento sa mga simpleng bagay. Andun pa din kasi yung naghahangad ka for something more, kahit alam ko sa sarili ko na sapat na kung ano yung meron ako. Hindi ako demanding na tao, wala ako masyadong hinihingi from life. Gusto ko lang maging masaya, at hindi ako mahirap pasayahin. Sa ganyang aspeto, madali akong makontento.
Bilang isang dreamer, madami akong visions. Pati mga intuitions ko, kadalasan pasok. Dito siguro nanggagaling ang confidence ko, dahil alam ko na sigurado ako sa naiisip ko, kahit sa totoo eh hindi ko talaga sigurado pa. Kaya siguro hirapan akong tumanggap ng pagkakamali, dahil din dito- but I definitely wouldn't do anything na alam kong mali in the first place.
Bilang isang dreamer, naiisip ko agad ang future. Kunyari may kaibigan ako, iniisip ko kaagad ang future namin together. Kapag wala akong nakikita, or kung hindi ko naiimagine ang sarili ko na kasama siya sa future, lumalayo na ako. Ang motto ko kasi lately, stay away from people who brings you down.
Like last week, tumawag si FRIEND saying hindi na daw siya makakaattend ng birthday ng isang friend dahil may sakit siya.
"Bullshit" sabi ko sa utak ko. Share kasi kami dapat sa pagbili ng cake, since namumulubi na nga ako, hindi ko maimagine kung paano ako bibili ng cake mag-isa. Pagdating ko sa party, andun ang mokong, nauna pa sa akin. Nabwiset talaga ako. Sana, sinabi na lang niya na ayaw niyang gumastos, para hindi ako nakapag-promise ng cake. Hanggang ngayon, peste pa din ako sa kanya, kahit totoo pa yung sakit niya.
Two days ago, may isang FRIEND naman na "namomoroblema" daw dahil basted siya sa isang friend din na hindi naman talaga sila naging (in my opinion). Pareho naman silang nagkukwento sa akin, at parehong ayaw nila sa isa't-isa. Pero kapag magkasama sila, parang laging may LQ, habulan ng habulan. Nakakapeste! Kung masama lang ugali ko, sinabi ko na sa isa't-isa ang backstabban nila para matigil na yung kalokohan nila. Nakakapeste kasi. Sa akin nagsusumbong, tapos kapag magkasama sila, papakitaan ako ng affection nila? Peste.
Back to my point.
Hindi man justifiable ng logic ang pag-aassume ko sa mga bagay-bagay, nakakatulong ito sa akin para maging realist din kahit paano. Hindi naman pwedeng habambuhay akong Dreamer, kahit na alam kong ganito talaga ako. Eventually, may makakasalamuha akong realist at builders along the way, at kapag nagmatigas ako sa pagiging isang dreamer, baka mahirapan akong humanap ng kaibigan.
Itong mga personality quizzes, they don't really define who we are. Pwedeng minsan, sakto, minsan, sablay sa pagkatao natin. Nonetheless, gabay natin ang mga ito para tulungan tayong i-identify kung ano ang tama sa mali, at kung paano pakisamahan ang mga tao sa paligid natin.
No comments:
Post a Comment