Tuesday, July 21, 2009

The Mand

Lately, bumibigay ako sa demands ng tao sa paligid ko, at unti-unti kong narerealize na hindi na ako nakakapagdemand sa sarili ko ng para sa akin. Safe to say I'm being controlled by the people around me. Ito din naman kasi ang philosophy ko, partly, dahil para sa akin, hangga't maaari, para hindi maramdaman ng ibang tao na argabyado sila sa akin, at dahil ako naman ang kadalasang nakakalamang sa nakararami, ako ang nagpaparaya, ako ang nagaadjust.

Usually, I'd ask people kung ano ang gusto nila, before I give my opinion. At more often that not, mas pinipili kong sundin ang gusto nila, dahil sanay naman talaga akong makibagay, makisama. Kaya lately, kapag may hindi ka napagbigyan, o kapag may hindi ka na-please na tao, naaabuso ka, nagagalit sa iyo agad, kahit sa totoong buhay naman, hindi nila usually kinagagalit.

Like yung isang TOMCAT na nakikipagbiruan, sineryoso ang kasarapan ng isang what-used-to-be a joke. Dinibdib. At ngayon, ako ang nilalagay sa alangan. Ako ang nasisisi dahil parang tinataboy ko siya papalayo sa org. Kahit head ako, pinilit ko pa din bumaba sa level ng isang member para unawain, pero ewan. Pakiramdam ko, hindi tama na ako ang lumapit at makipag-ayos, dahil alam ko at alam ng lahat na hindi offensive ang joke ko.

Mahirap din pala kapag binibigay mo ang lahat ng gusto ng tao, dahil human, there's no pleasing them. They'll always want more from you, naaabuso ka tuloy.

I know people all over me might get offended by this ranting. I appreciate all the love and the concern, lahat naman iyon, pasok eh. It's just that, mas nangingibabaw ngayon yung pakiramdam na hindi ko magawa ang madaming bagay para sa sarili ko.

Bayani ako kasi.

Sheeesh people, doesn't anyone ask me what I want anymore? Maganda din namang may options ako paminsan-minsan.

No comments:

Post a Comment