Tuesday, July 28, 2009

The Gigabyte

When I woke up that day, I know I had to do something about what happened. Hindi ko nahanap ang pwesto ko sa pagtulog, patuloy na kinakatok ng pangyayari ang skull ko na parang ayaw akong patahimikin.

Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang isang bagay na kahit sa panaginip, alam kong hindi pwedeng mangyayari. Hindi ko ito napaghandaan. Masyado akong overwhelmed. overwhelmed..yan ang salitang bagay sa nararamdaman ko. I am overwhelmed.

Madami akong pangarap sa buhay, at isa na ito sa mga yon. Pero maluwag kong tinanggap sa sarili ko na mananatili na lamang ito sa aking mga pangarap dahil hindi nga ito talaga pwedeng mangyari.

Ginusto kong maiyak sa tuwa dahil sa nangyari ito. At the same time, gusto kong magtanong sa mga tao kung deserving ba ako sa nangyari. Gusto kong malaman na totoo itong nangyari dahil magpasahanggang- ngayon, kinukumbinsi ko pa din ang sarili ko that it happened. Ikwento ko man sa iba, walang maniniwala, dahil kahit ako, sa sarili ko, hinding hindi ko ito kayang paniwalaan.

Walang oras na lumipas nitong mga nagdaang araw na hindi ko naiisip ang nangyari. Mag-aaral ako, maiisip ko ulit yon. Maliligo, maiisip. Kumakain, maiisip. Bago matulog, paggising, maiisip. Nakakapagod man mag-isip, sa ganitong bagay, hindi. Hindi kasi kinakalimutan ang ganitong pangyayari. Hinding hindi.

Hindi ko ito ikukwento. Walang maniniwala. Kukumbinsihin ko muna si sarili ko, bago ako tuluyang...matuluyan. Tuloy pa kaya ang buhay ko pagkatapos nito? Gusto kong ituloy, ayaw kong maiwan sa pangarap na ito. Gusto ko na ayaw. Sabaw.

No comments:

Post a Comment