Tuesday, July 28, 2009

Ako na ang callboy

Nakakatakot ang mga bakla sa paligid ko ngayong mga nagdaang araw, hayok lahat sa sex. At ang tingin nila sa akin, sexable.

One time, naglalakad ako sa Metrowalk mag-isa. That time eh naka-dorm pa ako sa Metrodorm. Bumili ako ng C2 sa mini stop nang mapansin ko ang isang kotse na mabagal ang takbo sa likod ko. Biniblink niya yung headlights niya sa akin. Walang ibang kotse sa daan, siya lang.

Sinasabayan niya ako sa paglalakad ko, akala ko kidnapper. tapos narealize ko na masyado akong malaki para kidnappin pa. Binaba niya ang bintana at ngumiti sa akin yung driver, bakla.

Nagmadali ako lalo sa paglalakad. Sumunod pa din siya. Malayo-layo pa ako sa dorm ko, kaya nasundan niya ako ng swabe. Bumubusina din siya habang sumusunod sa akin.

Dahil adik ako at nasa mood gumawa ng kagaguhan, kinausap ko yung driver.

Ano gusto mo? Kanina ka pa sunod ng sunod ah.

Sakay ka. Kain tayo.

No thanks.

Magkano ka?

At doon siya nagsimulang magbigay ng presyo. Umabot sa 2k.

Sumakay ka na, kakain muna tayo.

Nangibabaw ang takot sa akin. Hindi ako sanay sa ganoong sitwasyon.

Sabi ko na lang, mahal ako, hindi mo kakayanin. Tapos umalis na ako at hindi na siya sumunod.

Recently naman, yung councilor ng Batangas na nakipagkilala sa akin noong high school, nagtext. Nagulat ako kung paano niya nakuha ang number ko. Research? Ewan, hindi ko sigurado. Nangamusta, hanggang sa umabot sa usapang inaasahan ko din naman na mangyayari eventually.

May ilang beses na siyang nagyaya lumabas, lagi kong tinatanggihan. Mapilit. nangalok ng P50,000. Nabastosan ako, hindi ko na lang nireplyan.

Lalo ngayon sa gym, naguumapaw ang mga bakla. Tuwing nasa sauna ako o nagshoshower, may nakatitig sa ano ko. Hindi sila nahihiya o naiilang kapag ganun. Talagang nakatitig lang. Ngumingiti, kinakausap ako. Hindi lang talaga ako sanay magsuplado.

Gays are already a part of the society I guess. Kahit anong gawin mo, they're everywhere. Hindi mo maiiwasan na sa bawat grupo, may isang bakla. Masaya silang kasama, lalo na kapag yung kabastusan nila, eh kaya nilang sarilihin.

No comments:

Post a Comment