Tuesday, August 4, 2009

Missed Childhood

It has always been a wonder to me, at my age, na parang hindi ko pinagdaanan ang pagiging isang gagong bata. The worst thing I think I did when I was younger was pretended to become a soldier. yun na yun.

Noong bata kasi ako, lagi akong kawawa sa mga tao. People always hated my guts, mayabang daw, palaaway, hinding hindi mo makakasundo. Maybe that is one reason why I didn't have much friends then, dahil sa ugali ko. Na siya namang kina-opposite ng buhay ko ngayon.

I was bullied a lot when I was a kid. Laging pinapagalitan ng teacher, kasali sa suntukan, pinagtutulungan. Kaya naman I take pleasure in passing on the pain to people weaker than me. Masama talaga ako nung bata, na sa ngayon ay pinagsisihan ko na.

Seeing most of the boys in my batch today, lahat ng ginawa nila, hindi ko naengkwentro noong bata. Mga online war games, basketball, NBA, UFC, wrestling. Hindi man ako bayolenteng tao, minsan, naisipan ko na din magpakamatay. (emo pala). Kaya naman as I was growing up, nararamdaman kong maraming marami pang kulang sa akin.

Nakuha ko man ang mga mamahaling matchbox toys na gusto ko noon, lahat dahil sa inggit, kaya ako nagpapabili. Noong bata ako, I never played with toys, nagsusulat ako. I remember using my arts class sketch pad as a mat for my comics. Mga smileys na magbabarkada. Mga kalokohan nila sa school, lovelife. I write short stories na din noon pa lang, sa magic spoon na mabubusog ka kahit walang kinakain, preso na malaya ang paniniwala atbp.

When I was younger, hindi din ako mabarkada, laging may bestfriend lang ako. Although naiinggit ako sa mga grupo na naglalakad ng sabay-sabay tuwing recess, wala akong magawa. Hindi ko din talaga nakahiligan ang crowd, noon pa man, mas gusto ko na ang intimate relationships. Noon pa man, emo na ako.

But now that everything's catching up with me, nahihirapan ako. Buong batch ko ng CA boys, nagbabasketball, at ako, hindi marunong. Kaya naman sa audience lang ako madalas, nanunood. Grade 4 ata noong sumali kami ng liga, pero dahil sa time restraints at dahil masyado pa kaming mga bata, we backed out.

Pakiramdam ko, huli na ang lahat kung ngayon pa lang ako magkakaroon ng interes sa basketball. Hindi na ako nakakasabay sa NBA updates sa rooms, hindi ko kilala ang tennis players, ang UFC champions, ang UAAP players, ang cheat sa DOTA, NBA live 2009. WALA.

Kahit sa usaping sex, hindi ako nakakasabay! Although madami pa akong kilalang lalaking virgin sa batch, hindi din maiiwasan ang yabangan ng mga kumantot na. At ako, being my normal self, ay hindi pinaniniwalaan na virgin pa. Hindi ko din alam kung sa point na ito, eh it's something to be proud of. Pero totoo. Madami na ang nagyaya sa akin, walang pangit. pero ko, tumatanggi, takot akong makabuntis. Sobrang takot.

And so I ask myself, what have I been doing for the past two decades of my life?

Ano ang kinalakihan ko as a kid?

What are my real dreams aside from having a job and a family?

Ano ba ang past time ko talaga?

Passion ko?

If I was raised to be a good kid, then my mom did a pretty amazing job. I try to rebel by drinking and smoking, pero it was worth it only for the moment. Pag tapos na yung moment, you'll realize it isn't.

Andyan pa man yung takot ko sa fraternities, sapakan, and being bullied all over again, susubukan kong aralin ang mga bagay na hindi ko nasubukan noong bata pa ako. babalikan ko ang family computers, pog, PSP, PS3, DOTA, basketball*, kapag may oras ako.

Pero sa ngayon, hindi muna. Masyado pa akong busy.

No comments:

Post a Comment