Saturday, July 18, 2009

Limelight Kid

I just came from a fashion show last night where I modeled Armhand Remojo's formal and casual wear collection with three other models, one of which is this year's Ginoong Filipinas winner. It has been a while since I walked on stage, but unlike before, I didn't feel any pressure at all (Janina San Miguel pala! HAHA!). And I thought, "This must be a sign that I am already confident about myself, with whatever I am wearing, with how people look at me, and even with what they say about me." I became thankful...

Thankful for the people who helped me reach this level of confidence.

On the other hand, naisip ko din kung ito ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Kasi, kung pipiliin ko man sakali yung ganitong klaseng industriya, naniniwala akong may maaabot ako. Hindi na din kasi biro yung mga offer na natatanggap ko these days, na kapag sineryoso ko, ay makakatulong sa akin ng sobra.

In the event of thoughts, at sa ilang beses kong pagtanggi, naisip ko din na hindi ko ito ganun kagusto pala. At sa ganitong industriya, hindi sapat ang okay lang. Dapat, gustong gusto mo talaga. Dahil mahirap siya, sa lahat ng aspeto.

Magiging public property ka, ang buhay mo, ibang tao ang uupdate para sa iyo. Araw-araw, may masamang bagay silang masasabi tungkol sa iyo. Pag-aawayin nila kayo ng kaibigan at pamilya mo. Kaya hindi sapat ang okay lang, dapat talaga, gustong gusto mo. Dahil kung gustong gusto mo talaga ito, balewala ang tsismis sa iyo.

Masarap sa limelight every now and then. Pinapalakpakan, pinanggigigilan at hinahangaan. Pero ang isang tao, hindi dapat gaano nagtatagal sa entablado, dahil sa sobrang lakas ng mga ilaw doon, maaari kang masilaw.

No comments:

Post a Comment