Bagamat ayaw kong maniwala sa end of the world, at the back of my mind, nandun pa din yung thought na baka, totoo nga, na baka magugunaw na nga ang mundo. January 1 pa lang kasi ng taong ito, lumindol na sa Japan, bago matapos ang 2011, may bagyong dumating. Nakakapraning, pero at the same time, nakakamotivate. Motivation para gawin ang mga bagay na takot kang gawin.
Parang yung pelikula na The Last Holiday ni Queen Latifah. Buong buhay niya, dinedeprive niya yung sarili niya a mga baga na gusto niya dahil gusto nyang mabuhay ng mas matagal. One day she found out na may sakit siya, at malapit ng mamatay. Ayun, sa last three weeks niya, ginawa niya lahat ng gusto niyang gawin, lived life to the fullest only to find out na wala naman pala talaga siyang sakit. Pero nagawa niya lahat ng gusto niya. Sana ganun tayo lahat katapang, kahit walang taning. Yun kasi yung nagiging problema natin, we are motivated by fear. Kikilos lang tayo kapag ayaw natin ang consequences. Seldom lang ang gumagawa ng isang bagay dahil goal niya ito. Weird diba?
Assuming na matatapos na nga ang mundo by December this year, gusto kong gumawa ng list of goals. Medyo borne out of fear din siya dahil sa end of the world, pero kung matapos man ang mundo o hindi, at least nagawa ko ang mga ito. Ready?
1. Get a Canon 60D
Gusto ko talaga ng isang magandang camera. Naniniwala ako na mas matatago ko yung mga magagandang memories ng buhay ko through a good camera. Mas gusto ko sanang magfocus sa videos kesa sa photos. Nasa storage room pa din ng puso ko ang pagiging isang director, hindi ko na lang masyado pinapansin. Bigyan natin ng second chance.
2. One week in Brazil
Weird, pero sobrang in-love ako sa lugar na ito. Yung culture, yung tao. Okay, wala pala naman akong masyadong alam sa culture nila, pero sa dami ng napanood kong pelikula noong 2011, a lot of them featured Brazil. Fast Five, Rio, One Day, at may dalawa pa na hindi ko na maalala. Brazil is my new Paris.
3. Earn my 300k
naging matagumpay ang P100k ko noong 2011, kaya naman oras na para itaas ito sa susunod na level. Times three. Hahaha! I might go looking for a better job, o kaya naman a better paying job title sa TV5. Hindi ko pa alam ang gusto kong mangyari sa future. Dahil postponed ang lipad ko papuntang Singapore dahil naghigpit sila doon, I'll enjoy what I have sa ngayon. 2012 is my year dahil year of the dragon ako, kaya naman sobrang positive ko na yayman at magiging successful ako ngayong taon.
4. Take my mom to UK for Christmas
Dahil nandun na nagtatrabaho ang ate ko, gusto kong maexperience ni ma ang pasko sa ibang bansa. Lagi niya akong nilalambing about it, ang bilhan ko siya ng ticket to UK. P50k lang naman per head. Kaya naman kailangan ko talagang magtipid ngayong taon para matupad ang mga pangarap kong ito. Kumuha ng maraming racket sa labas, get more work hangga't kaya. Sana may mag-offer ng master editor position sa isang simpleng show, yung walang graphics, walang animation masyado. ahahah!
5. Become a master editor
I've been a Supervising Editor for more than a year now, at pakiramdam ko naman ay kaya ko na ang maging isang master editor. Malaki ang sweldo nila, at pagod na ako kaka-instruct lang kung anong treatment ang gagawin para sa show. Gusto ko naman ako ang maglilinis ng timeline, feeling ko mas nakakadisiplina. Gusto ko maging organized ulit. At ang pagiging isang master editor ang solusyon ko dito.
6. Quit smoking
I've been trying. Halos naging successful ako nung bumili ako ng Vape, the e-cigarette. But when someone stole my battery and charger, I was disheartened. Balik yosi ulit ako, but believe you me, I'm trying me best to quit. I think I'm going to be successful this year.
7. Get a beautiful body
Don't we all wish for this one? Well, I have the right motivations this year, at least for now. I will quit eating like a pig and start living healthy. Medyo nakakapagod din yung bili ka ng bili ng damit dahil hindi na kasya sa iyo yung existing clothes mo. Akala ko arte lang ng mga babae yung theirs pants don't fit anymore, and it frustrates them. Totoo palang nakakafrustrate. At totoo palang basehan ng taba ang pants fitting. Ahahah! Thank you for this lesson universe, well taught!
8. Baking business
I got a cool baking set from Joselle for Christmas, and I really want to take baking seriously. Kahit sideline lang. I want an operational baking career by June this year. I also want to be able to bake for my family. Parang sweet kasi, lalo na kapag birthday ng isa sa amin.
9. Make a short film entry to any contest
I have tons of scripts waiting to be written. My favorites are the "Sa Muling Pag-alon, Playa Resort, at My Name is Clyde." I need a producer, actors, director, production staff!
10. Finally, to live my dream as a husband
17 months ko na itong pinaplano, at seryoso ako sa gusto ko nang tumira sa isang bahay kasama mo. Magkaroon ng anak, garden, BBQ grill sa garden, dalwang aso, a nice big kitchen, ikaw.
Let's do this 2012!!!!!
No comments:
Post a Comment