Tuesday, January 24, 2012

My not-so-busy January

Medyo naging busy ako nitong January, anjan yung pagpunta ng Gellicious sa IIBB para i-feature, anjan din yung wedding proposal ni Aldwin na inasikaso namin, anjan din yung pagbili ko ng 60D na Canon, anjan din yung pagkawala ng isa kong show na Hey It's Saberdey.

Extremes ang mga nangyayari, kaya hindi ko din alam kung paano sasabayan ang mga bagay-bagay. I'm close to being broke dahil sa camera na binili ko. Malaki na din ang utang ko sa credit card dahil sa booking na ginawa ko for Thailand. Sinisingil na din ako ng mom ko para sa condo namin worth P20,000. That's only half of the payment. Hati daw kami dahil ako ang may pinakamalaking sweldo sa pamilya.

Nasabayan ko naman ang mga kaganapan sa buhay. I once again tracked my spending pattern, nabalik ko na siya sa P3,000-P4,000 a week. Kung ganito na ako dati pa lang, malaki na din sana ang naipon ko.

Looking back, I don't think I would have done things differently. Masaya ako sa 2011 ko, nagawa ko lahat ng gusto ko, nabili ang mga luho, napasaya ang mga taong mahal ko, I was really happy. Pero may bago yatang lessong hatid ang 2012, nakakatakot na nakaka-excite.

Postponed ang plano ko mag Singapore dahil naghigpit na daw sila doon sa mga Filipino workers. Kaya naman tinatiyaga ko pa rin ang nag-iisang show ko sa TV5, ang Celebrity Samurai, kahit ayaw ko na yung ginagawa ko, ang pagiging Supervising Editor.

Now that I'm thinking about it, kung mag-apply kaya ako sa isang kompanya na may editing, o naghahanap ng editor? Gusto ko na din kasi ng mas malaking sweldo. Dahil for the longest time, malaki ang kinikita ko, natatakot ako sa paparating na months na isang show na lang ang papasok sa cash card ko. Scary, pero mukhang kakayanin ko naman.

Again, hindi ko na naman alam ang gusto ko. Pero ramdam kong I'm meant for something big. Gusto ko sanang malaman na kung ano yun, para kahit papaano, napaghahandaan ko na siya.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang pagpunta ko ng Thailand this February.

Here's to that surprising January! Cheers!

No comments:

Post a Comment