Wednesday, December 28, 2011

2011: The year that was

Binalikan ko ang taong 2011 ko gamit ang Archives page ng Tumblr account ko, at ang dami palang nangyari sa loob ng 360 days. Kung sa bagay, sa isang segundo nga eh may namamatay, may naliligtas, may nagiging milyonaryo, paano pa kaya sa loob ng isang taon diba? Kaya naman let me walk you through my colorful 2011, one month at a time!

JANUARY
Pumunta ako ng Palawan noong January para mag R&R at hanapin ang sarili ko para sa darating na taon.
 Nakita ko din ang underground river, ang mababait at honest na tao ng Palawan, ang hinahanap kong katahimikan. Pagkatapos nung trip na yon, naging mas maganda ang pananaw ko sa buhay.

Totoo din yung "time for myself" na hinihingi ng mga tao kapag pagod o stressed sa buhay. Sa mga ganitong paraan mo lang din kasi maririning yung totoong gusto mo mangyari sa buhay mo. Walang opinyon ng iba, yung ikaw lang talaga. Walang outside force.

Sabi nga ng co-coach ko sa World Stage na nag masteral sa hypnotism, ginagamit daw yon para marinig mo ang subconscious mo. Kasi more often than not, ito ang tamang sagot sa mga tanong mo. Yung walang halos bias. In short, gut feel.

FEBRUARY
Sumali ako sa isang online video contest kasama ang dream team na sina Jam, Judy at Alexis. Tungkol sa saving water ang campaign ng ADB. Gumawa kami ng short film gamit ang bago kong GEDV1 HD underwater camcorder. Hindi man kami nanalo, masaya naman na pagkalipas ng halos isang taon ay nakatrabaho ko ulit ang co-heads ko sa TOMCAT. Doon pa lang, panalo na ako.

First time ko din mag buffet sa Sofitel, at nag EDSA run din ako, at my fastest time ever at 5k.

MARCH
Umalis na ang panganay namin papuntang UK. Nagpadespedida party siya at ako ang punong abala. Nagpagawa pa ako ng special cake para sa kanya. Actually, ngayong pasko ko lang naramdaman yung pagkawala niya sa Pilipinas. Sa Lucena kasi siya nagtatrabaho, kaya hindi ko ramdam yung absence, pero iba kapag pasko. Usually, sama-sama kami nagcecelebrate, ngayong taon, via Skype. Buti na lang at uuwi siya ng March next year, one month siyang mag-stay dito!


APRIL
I finally launched my food blog, Ramenologist. It was cool at first, but eventually, I couldn't find the time to write anymore. But hey, small steps eh? Will try to do a full blast blog next year. And because of this food blog, I was given a free meal by one of the restaurants I featured on my page, cool no?

MAY
This was definitely World Stage Superstar month. On its third year, WSS launches a more challenging camp for the kids. We did several outdoor stints that were both difficult and fun all the same. Walang tulugan, but was definitely worth the effort. I was finally appointed "coach" from being an apprentice for two years. Next year, WSS is planning to expand its office to Manila. So I am really considering this offer rather than moving to Singapore.

Speaking of Singapore, nag family trip kami doon for three days, kaso hindi na nakasama si Achi, dahil nasa UK na siya. Ito pa naman sana ang first out of the country ng family. =(

JUNE
June is my birth month. I celebrated my birthday with very special people. I stayed at Tagaytay for one night, lunch at Sonja's, was served home-cooked dinner. Probably one of the best nights I've had in 2011. I don't really like celebrating my birthday, but this year reminded me why these days exist.

JULY
This month, I had tons of job offers from TV5. From being the Supervising editor of Hapier Together, Pinoy Samurai offered a Supervising Editor position, and so did Loko Moko U! For a moment, I was the SE of TV5's comedy shows! I later on resigned from Loko Moko dahil hindi kami pareho ng vision ni Direk Al. Nonetheless, I was able to buy the things I want dahil sa malaki kong sweldo. Like a 500GB firewire 800 EHD, two Blackberry phones.

July was also the month that my famous CONYO DRIVERS video invaded the internet scene. Naging viral ito sa facebook, Youtube. Kagulo. And everyone was congratulating me, as if ako yung may kagagawan kung bakit ito sumikat. ahahah! Well, I uploaded it on my Youtube account. One move that almost made me lose my job. ahahah! Oh July!

AUGUST
Puro pagbabalik-tanaw ang ginawa ko noong month ng August. Binalikan ko ang mga inaral ko noong college dahil nag take over ako sa renovation ng IIBB branch sa Manila. Binalikan ko din ang Foursome group namin nina Miko, Cookai, at Chands, pero this time, tatlo na lang kami. Wala na si Chandra.

Binalikan ko din ang pagiging fan ko ng Westlife at nanood ako ng concert nila. Binalikan ko din ang mga araw ko sa Teatro Tomasino. Yes, impulsive ako nung August, kaya naman biglaan din ang pagpunta namin ng bestfriend kong si Cookai sa Baguio dahil napagod lang kami sa mundo, at kailangan namin ng ganito.

SEPTEMBER
Naging abala ako noong September dahil ako ang gumawa ng wedding AVP ng pinsan ko sa Lucena. Sa tulong ng best friends kong sina Cookai at Reynard, nagawa naman namin lahat sa loob ng isang araw. Tumulong din ang TOMCAT friends kong sina Jam at Alexis sa video. Panoorin ninyo ang December to Remember. Panalo ito! Pumunta din pala ako ng HongKong kasama ang TV5 peeps!

OCTOBER
Mas naging tutok ako sa renovation ng IIBB. Ito rin ang unang agkakataon na ang short film na isinulat ko para sa Hey It's Saberdey ay pinalabas sa tv. Nakakatuwa na mapanood mo yung gawa mo at maappreciate ng tao. Sana magawa ko din ito sa mainstream cinema.

NOVEMBER
November ay pumunta ako ng China, nagbackpacker for a week. Iniwan ko lahat ng trabaho ko dahil feeling ko naliligaw na ako. Dito ko naramdaman na parang ayaw ko na sa ginagawa ko, na pakiramdam ko, may mas kaya pa akong gawin, at hindi ito yun. Pagkatapos ko sa China, naisipan kong totohanin na ang pagpunta sa Singapore. Dahil sa November, mas naging futuristic na ako, less of "living one day at a time". Dito din ako nagsimula magplano para sa kinabukasan namin ng mapapangasawa ko.


DECEMBER
Binigyan ako ni John Lapus ng chowchow dahil ayaw na ng nanay niya dito, malaki daw masyado. Hindi niya alam, nasa 2011 wishlist ko ito. ahahah! Sobrang gandang addition ni Tank sa pamilya namin, iba talaga kapag aso. First time ko din sumayaw pagkatapos ng pitong taon, SEVEN years. Oo, sumayaw ako para sa Christmas party namin sa TV5, awa ng diyos, 2nd place naman.


***


Malapit ko nang simulan ang 2012 blog ko. Pero hindi ako magsusulat ng mga resolutions, dahil hindi naman yan natutupad. At lalong hindi makakatulong sa iyo ang pagrerestrict sa mga bagay na nakagawian mo na. Mas makakatulong kung gagawa ka ng listahan ng mga gusto mong gawin at mangyari, mas positive at mas madaling gawin. Yun ang motivation, yun ang tama!


No comments:

Post a Comment