Sunday, October 9, 2011

Nakakatakot na Disyembre


**This post was made for Tumblr, but after reading it, parang mas bagay siya sa Blogspot. So here I am again, the sad me. Do I get an open arms welcome?

Papalapit na naman ang pagtatapos ng taon, and with endings, come new beginnings. Nakakatakot ang mga pagbabagong kailangan kong harapin, iniisip ko kung worth it bang isuko na lang ang lahat? Kung magiging masaya ba ako sa gagawin ko? Kung kakayanin ko ba?

Hindi ko na din alam kung tama ba ang gagawin ko, dahil hanggang sa oras na to, hindi ko pa din talaga alam ang gusto kong gawin, and that alone, scares me.

I love my job, but not the people. So I guess it was always about the money. Nakukulong ako sa sistemang hindi ko gusto, structured, censored, bullcrap.

I'm becoming the person I don't want to be because of these people. That's not a good thing.

I need answers more that I want them. Kailangan ko ng taong magbibigay sa akin ng sagot. Dahil hindi ko na ito kayang desisyunan mag-isa. Nahihirapan na din ako makipaglaban at makipagpatigasan sa mundo. Hindi ako totoong malakas, hindi ako totoong magaling. Alam ko din kung ano ang para sa akin at kung ano ang hindi. And this isn't for me.

Ayaw kong mamatay bukas, dahil hindi pa ako fulfilled, hindi na ulit. Madami na ulit akong kinatatakutan, dahil siguro wala na akong masyadong kinakapitan. Paumanhin sa mga nagmamahal sa akin, pero sa mundo ko, the way I see it, mag-isa na lang ako. Malungkot dito, at ayaw kong maranasan ninyo ito.

Screw Sundays.

No comments:

Post a Comment