Umakyat ako ng overpass sa Welcome Rotonda, 1:10am, bitbit ang susi ng bahay, ang tumbler kong may iced tea at isang stick ng yosi. Pinagmasdan ko ang takbo ng mga jeep, ang pagtawid ng mga taong nag-overtime sa trabaho. Nagpakalunod ako sa ingay ng Pub na may live combo sa kanto, sa busina ng mga sasakyan, sa ingay na tumatakbo sa loob ng utak ko.
Biniro ko pa nga ang utak ko, "kung tumalon kaya ako para matapos na lang ang lahat?" Sumagot ang alter ego ko, sabi niya "Gago, hindi ka mamamatay jan, mababa masyado." Pareho kaming natawa. At naalala ko, takot din pala ako sa heights, at sa pain.
Sinubukan kong pakinggan ang tugtog ng combo. Complicated ni Avril Lavigne. Sabi ng kanta, "why did have to go and make things so complicated? I see the way you're acting like you're somebody else makes me frustrated. Life's like this you, and you fall, you crawl and you break and you take..."
Tumingin agad ako sa langit at sinabing, si Lord, kausap na naman ako. Tumingin ako sa torre ng Welcome Rotonda at nakita ang isang malaking poster ng La Naval. Naramdaman kong gabay Niya ako sa mga oras na yon.
Umuwi ako ngayon para isulat itong blog at para isulat ang natitira kong buhay. Ako din pala ang sagot sa mga problema ko, ako lang. At Siya. Laban namin ito, against the world, against the non-believers.
Nanood ako kanina ng play na Next to Normal, at doon ko narealize kung gaano ako kaswerte sa pamilya ko. Kahit palpak kami sa maraming bahay, nananatili kaming buo. Nasa ospital ang lola ko, at sabi ni mommy, hindi na din siya magtatagal. Kailangan naming maging matatag sa ganitong pagkakataon. May mahahawakan pa din pala ako, Siya.
No comments:
Post a Comment