Friday, August 26, 2011

Playa


Paano patayin ang pusong matagal nang patay?

Hindi inaasahan ni Carlos ang maagang pagkawala ng kanyang fiancĂ© dahil sa isang insidente sa 
Commonwealth. Mahigit isang taon na din nang mamatay ang magkaibigang Ella at  Isha sa isang vehicular accident, kinaladkad ng ten-wheeler truck ang isang pulang Honda Civic alas-siyete ng gabi. Hindi halos mamukhaan ang bangkay ng dalawang dalaga dahil sa tindi na rin ng pagkakabangga.

Mahigit isang taon na ay hindi pa rin nakakalimot si Carlos sa nangyari. Gabi-gabi ay dinadalaw ito ng bangungot sa trahedyang nangyari. Sino ba naman si Carlos para mahimbing ng tulog kung ang inyong kasal ay dalawang araw na lamang ang layo? “Hindi niya talaga dapat sinukat ang wedding gown…” 

Wala tuloy kasal na naganap. Yan ang pinaniniwala ni Carlos sa kanyang sarili.

Muling binisita ni Carlos ang resort na dapat sana’y honeymoon venue nila ni Ella. Nirentahan niya ang honeymoon suite ng magdamag habang nilalagok ang bote ng Jack, humahalo ang tulo nito sa luha sa kanyang pisngi. Nangalahati na ang kaha ng yosi at nagsialisan na din ang mga tao sa swimming pool dahil sa curfew. Wala mang nalunod sa pool noong araw na iyon, ang bisita sa room 209 ay lunod ng husto, sa alak.

Sinalubong si Carlos ng nakangiting sikat ng araw. Bumaba ito upang kumain ng brunch sa cafeteria. Bagamat madaming tao sa cafeteria, tahimik ang mga itong kumakain. Limang mesa ang layo ng isang dalagang kumakain mag-isa. “Sugar, sir?” Hindi napansin ni Carlos ang waitress sa kanyang tabi. Titig na titig siya sa dalagang nagtitiyaga sa pakwan at pinya dahil mukhang nagdidiet ito. “Sir, asukal po?”

“Sino siya?” ito na lamang ang naisagot ni Carlos sa tanong ng waitress. “Si Ma’am Sephra po. From Dumagete.”

“Kelan pa?”

"po?"

"Kelan pa siya nandito?"

“Noong isang araw pa po siya andito eh.

Napatingin si Sephra kay Carlos at doon nagsimula ang lahat. Sinamahan ni Carlos si Sephra sa natitirang apat na araw nito sa Playa Resort. Tuwing alas-siyete ay magkikita ang dalawa sa lobby ng hotel at sabay kakain ng almusal. Pag tanghali naman ay sa coffe shop sila tumatambay, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Sa gabi naman ay sa Playa Bar sila umiinom ng alak at sumasayaw hanggang madaling araw.

“Sign kaya ito?” Tanong ni Carlos kay Sephra habang inaabutan ito ng isang baso ng Sidecar.

“Sign ng?”

"Nothing."

"Sign ng?"

“That it’s time for me to move on.”

“Kailangan kong maupo.”

Lumabas si Sephra ng bar at nagsindi ng yosi.

“May problema ba?” Lumabas si Carlos, gulat sa reaksyon ni Sephra.

Umupo si Sephra sa may hagdanan, tumabi sa kanya si Carlos.

“Seph, are you okay?”

Binuksan ni Sephra ang kanyang bag at kinuha ang isa pang maliit na purse sa loob. Kinuha niya ang singsing sa loob at ipinakita kay Carlos.

“I’m getting married next week.”

Tumayo si Carlos. “I think you’ve had enough alcohol…”

“Carlos, ikakasal na ako sa isang linggo.”

Hindi makasagot si Carlos. Tinitigan niya ang mga mata ni Sephra, umaasang sasabihin nito na gawa-gawa lamang niya ang lahat. Na ang apat na araw niya sa piling ni Carlos ang pinakamasayang apat na araw niya mula ng mamatay ang kanyang mapapangasawa.

 “I wanted to have a last taste of being a single woman before I tie the knot. Dahil ayaw kong kapag kasal na ako, saka pa ako magtataksil.”

Pumasok si Carlos sa loob ng bar at umorder ng alak. Sumunod si Sephra sa loob.

“You seem like you needed someone to help you move on. And I was looking for a fling. Akala ko we understood each other?”

“Bullshit.”

“Four days Carlos, you expect magic sa pagitan natin sa loob ng apat na araw? Ginamit kita at ginamit mo ako. Anong mahirap intindihin doon?”

 “And you still believe tama ang ginawa mo?”

“I was only trying to help.”

“You’re playing with emotions!”

“I was helping you move on.”

Lumabas si Sephra ng bar at dumiretso sa kanyang suite. Inempake niya ang lahat ng kanyang damit at nag-drive pabalik ng Manila.

Sa huling araw ni Carlos sa resort, gumising siya katabi ang isang bote ng alak. Nakangiting sinalubong 
ng araw ang loob ng kwarto ni Carlos. Inempake niya ang kanyang mga damit at nag-drive din pabalik ng Manila.

Sabay sa pagbuhos ng ulan, ay bumuhos din ang luha sa mga mata ni Carlos na tila sanay nang magdusa.

Paano nga ba papatayin ang isang pusong matagal nang patay?

Buhayin muli, at saka mo patayin.

WAKAS


No comments:

Post a Comment