(Kung tamad ka magbasa, proceed to the bulleted version of my updates found below the dotted line.)
Last week, I got a job offer, one I think I really deserved. Ginawa akong Edit Supervisor ng Golden Dove award winning gag show, Lokomoko U na pinagbibidahan nina JC de Vera, Empoy, Tuesday V., Rainier Castillo, Joseph Bitangkol, Valeen, Caloy Alde, Milagring, Luningning, Mariposa etc.
Nakuha ko ito dahil pinagbuti ko ang trabaho ko sa ibang show, at finally napansin nila ang husay ko. HUSAY DAW!? Nakuha ko ito hindi dahil friend ko si Ronald Duata na naniningil kapag nirecommend ka sa isang show, nakuha ko ito dahil nagustuhan ng PUM ng TV5 ang ginagawa ko sa Pinoy Samurai at Sugo Mga Kapatid, both shows, ako ang Editing Supervisor.
Ngayon, ano ang ginagawa ng isang ES/SE? Normally, SE's call the shots sa editing, parang director ng post production. I call the "cut!", the shots, where to begin telling the story, nanggugulo ng sequences, nagpapabilis ng eksena, nagpapadrama by adding slow mo effects, naghihighlight ng eksena kahit hindi naman ganun kaganda, nagtatanggang ng eksenang hindi naman nakakatawa, to make a more effective, creative, storytelling. I tell all these things to my editors, at sila naman ang nag eexecute. For the longest time, I've had really great editors working with me, beterano at beterana na sa craft nila, kaya work is like a breeze.
I mentioned that I am SE-ing Pinoy Samurai as well, pero kahati ko dito ang aking blockmate/friend/editing soulmate na si Judyjoy. Bilang matagal na siyang Post PA ng show, kabisado na niya ang takbo ng bagay, at ako bilang nagmamagaling sa editing, we make a very good team together.
I also mentioned Ronald Duata. Siya na marahil ang pinaka-masamang experience ko sa industriyang pinasok ko. Manyak, mahilig manumbat, power tripper, at lahat lahat na. Hindi ko na din kinaya yung mga ginawa niya for the past two months, kaya naman ginamitan ko na rin siya ng kapangyarihan ko, at ayun, lumayo siya ng kusa. It's a relief na hindi na siya nagtetext, tumatawag, though dinadamay niya ang work sa personal life. I think he took me out of Wow Mali as an editor, pero God saw that coming and gave me Lokomoko instead. Mapapanood pa rin naman ako sa Wow Mali, lalo na ngayong Lunes! Support me! As for him, sana mahuli na sila ng misis nung jowa niya, nakakasira ka kaya ng pamilya.
I am currently managing the renovation of our new IIBB branch in Manila. Swerte ni ma na nabakante yung dating Nid's Binalot across UDMC right after she took a foodcourt sa Ortigas. Dahil hindi masyado okay yung contractor na nakuha ni ma noong una, who charges an estimated 1M for the dining area alone, at renovation lang naman ang gagawin, I took over, with help from my good friends Fritz, Reynard, Franz and Joselle. Kami ngayon ang nag-iisip ng concept, design, food traffic, at lahat-lahat. Pagkatapos nito, gagawa naman kami ng agency, at ipapangalan namin ito sa IIBB for courtesy.
Sana matapos namin ito ng matiwasay, pray for our success.
Nag balik-loob din pala ako sa drums sa katauhan ng Nestoration. Naka-attend ako ng 3 jam sa UST area via Musika Manila, umabot sa 1st recording, pero sumuko din sa huli dahil sa patong patong na schedule. Okay sana ito kung wala akong ginagawa, o kung normal 8 hours a day ang schedule ko sa trabaho, at kung wala akong IIBB na iniisip. Pero hindi pwedeng lahat angkinin, hindi pwedeng gahaman. Matutong pumili ng isa, at saka mo pagbutihin. Doon tayo natututo.
Madami na din akong gastos nitong nagdaang buwan, bagong cellphone, bagong camera, external hard drive na gagamitin ko sana sa Wow Mali editing, new gym fee (Gold's gym), dinner/s with family, etc.
Okay, that was random.
Madami din akong dapat ipagpasalamat. Madalas ko nang nakakasama ang nanay ko dahil madalas na siya dito sa Manila. Nagiging stable na din ang ipon ko, bagamat nababawasan lalo na at papalapt ang HK trip namin ng Wow Mali family ko sa TV5. Kasama ko din pala dito si Ronald, na ginawan ng paraan na mahiwalay ako sa grupo by splitting us into two groups. Power trip no? But things went to my advantage. Kaya naman walang kaabog-abog kong pinagpaplanuhan ang trip ng Group 2 sa HK. Ako ang itinerarian, booker, budgeter at kung anu-ano pa.
.........................................................................
Summary version ng updates:
1. May bago akong show, Lokomoko. As Supervising Editor
2. Ako din ang Supervising editor ng Pinoy Samurai.
3. Ako pa din ang Supervising editor ng Sugo Mga Kapatid.
4. Hindi na yata ako editor ng Wow Mali, pero lumalabas ako bilang on cam talent.
5. Out na si Ronald Duata sa buhay ko, pero siya, hindi pa out sa kabinet.
6. Mas malaki ang gastos ko keysa sa kinikita.
7. Naging drummer ako for two weeks.
8. Busy ako sa renovation ng bago naming pwesto sa Manila, ang IIBB.
9. Mahal ko ang nanay ko.
10. Pupunta akong Hong Kong next month.
TAPOS.
No comments:
Post a Comment