Kahapon, iniisip ko kung posible bang magkaroon ng tunay na kaibigan. Tulad ko, may mga bagay ako na hinahanap sa isang tao bago ko siya kaibiganin. Ang gusto ko sa isang kaibigan, yung mapagkakatiwalaan, mabait, hindi buraot, at higit sa lahat, mapagkakatiwalaan. Mapagkakatiwalaan. Pero iniisip ko din, na kapag tunay kang kaibigan, kahit ano pa ang katangian ng isang tao, hindi man ito maganda, tanggap mo, o di kaya naman, babaguhin mo.
Kung ganon, hindi ako tunay na kaibigan. Dahil wala naman akong kinaibigan na hindi ko naman mapapakinabangan. Not in an abusive kind of way na magmumukha na akong user, pero kung sakit lang naman ng ulo ang isang tao, at kukumpitensiyahin ka lang habambuhay, humanap na lang sila ng ibang kakaibiganin, wag ako.
True friends. Narinig ko na naman ang katagang yan kagabi. Madaming nagsasabi na true friend daw ako. Pero bakit ganon, madami pa din ang galit sa akin. Isa-isahin natin sila.
Para sa mga taong ito, ako ay masamang tao:
*ang katrabaho kong bakla na hindi naka-isa sa akin. Gusto daw niya akong maging bestfriend, pero dahil ayaw ko magpalambing, masama na akong tao.
*ang dati kong kabarkada na bakla na inakalang higit sa pagkakaibigan ang turingan namin. Nagpaasa lang daw ako.
*ang dati kong ka-telebabad sa telepono, na sinurprise ako noong 2nd college birthday ko. Nagkagusto sa akin pero hindi naging epektibo. Isa na siya sa mean girls ng batch hanggang grumaduate.
*ang dati kong bestfriend na ako ang pinatulan nung pinopormahan niyang babae, na ngayon ay tibo at kasal na.
Ano ang gustong ipahiwatig ng mga halimbawa ko?
Ang pagkakaibigan, huwag bahiran ng pag-ibig.
***
Medyo mahirap din timplahin minsan kung sobra na o kulang pa ang ginagawa mo para sa isang tao. Magkakaiba din kasi tayo ng timpla sa intimacy. Yung iba, konting hipo lang, pakiramdam, naabuso na ng sampung arabo. May iba naman, niyayakap mo na, sasabihan ka pa ng "bakit ang cold mo sa akin?" Partida, kaibigan mo lang sila. Kaya naman mahirap din lumagay sa tahimik. Kung tutuusin, mas komplikado ang pagkakaibigan keysa sa BFGF relationship. Wala itong formula na roses + chocolates= true love. Sa katunayan, walang formula ang friendship.
Kaya naman naniniwala akong walang tunay na kaibigan, mga tunay na tao lamang. Kung sa totoo lang, madami akong kaibigan na napag kukwentuhan ng buhay ko, pero sa tunay na tao lang ako nagtitiwala. Ang tunay na tao, nakikita mo lang sa kalsada, sa jeep, sa probinsiya, sa City Hall. Ito yung mga taong walang bias sa iyo. Ito yung mga taong may oras makinig, walang pinipiling pagkakataon, walang hinihinging kapalit.
Naniniwala ako sa mga kaibigan ko, pero bilang tao, may mga biases sila na tulad ko, nakaka-apekto sa pakikitungo ko, sa pagtatago ng mga sikreto, sa pakikihalubilo. Pero bawat isa sa atin, may side ng pagiging totoong tao. Kailangan lang makita natin yung taong totoo din sa atin, at handang makipagtotohanan sa iyo sa lahat ng pagkakataon. Tulad nga ng sabi ni Ate Ynah, WAGAS!
No comments:
Post a Comment