Taas-noo kong ipinagmamalaki na ang pinakamamahal kong tao sa buong mundo ay ang sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko eh naguumapaw na ang "mahal" sa buhay ko, at kinakailangan ko na siyang ipamahagi sa mundo lalo na sa mga nangangailangan.
Bihira ang mga taong tulad ko, madamot at kadalasan, napagkakamalang manhid. Aaminin ko, madamot ako noon, noong kulang pa ako sa pagmamahal, noong hindi pa ako masaya para sa sarili ko. Pero tingnan niyo naman ako ngayon, pinanghihilamos ko na lang ang good vibes. At kung gagawing cartoons ang buhay ko, may hearts palagi sa lupang dinadaanan ko.
Nakakatakot tumanggap ng pagmamahal mula sa taong hindi mahal ang sarili nila. You'd ask yourself, saan nila natutunan ang true love? Sa pelikula? Sa libro ni Bob Ong!? Naniniwala akong hindi sa lahat ng pagkakataon ay experience ang best teacher, pero sa sitwasyon tulad ng love, experience lang talaga ang may karapatang maghusga. Hindi na kasi siya sakop ng basic senses natin.
Minsan, naranasan ko na din yang true love na yan. Umabot ako sa puntong mukha na akong tanga kakahabol, oras, pera puso at kaluluwa, binigay ko na. Nagsinungaling na ako para pagtakpan ka! Binigay ko ang lahat ng hinihingi mo, ANO PA BA ANG KULANG SA AKIN!?!?!?! (pause)
*HINGANG MALALIM
Minsan, naranasan ko na din yang true love na yan. At kahit si Marcos pa ang magdeklara na wala na akong paki-elam, papasok si Carlo Aquino para lang sabihin na "akala mo lang wala, pero meron, MERON, MEROOOON!" Apektado pa din ako, yung kilos ko at pakikitungo sa ibang tao, mood sa tuwing maiisip mo siya.
Pero look at the bright side, at least alam mo na na hindi porke't willing ka ibigay lahat para sa isang tao, eh ikaw na ang tama para sa kanya. At hindi din naman porke't willing kang isuko ang lahat ng bagay para sa kanya eh mamahalin ka na niya.
Minsan, yung totoong ikaw ang nakaka-akit.
Minsan, yung mga bagay na handa nating ipaglaban yung magugustuhan nila.
Minsan, hindi yung ideal para sa kanila ang magpapasaya sa kanila.
Dahil madalas sa hindi, ang pag-ibig, dumadating sa hindi inaasahang pagkakataon, nakikita sa hindi inaasahang tao, at nagbibigay ng walang hinihinging kapalit.
Masarap magmahal kung gagawin ng
No comments:
Post a Comment