Thursday, March 31, 2011

Balik-tanaw

Puno ng graduation pictures at updates tungkol sa pagpasok sa Real World ang Facebook feed ko. Nakaktuwang isipin na isang taon na ang lumipas noong huling post ko ng graduation album ko. Maraming nangyari at maraming nagbago sa buhay ko, maraming dumating, at madami ding umalis. Okay, hindi sila umalis, iniwan ko sila. Ahahah! Dahil hindi na sila magandang dalhin pa sa bago kong mundo. Dahil sa sarili nila, nandoon pa din sila sa stage na lahat pwedeng dayain, lahat makakalusot, lagi dapat party. In short, walang direction ang buhay.

Kagabi, lumabas ako kasama ang ilang kaibigan at tinanong ko: Ano yung nagagawa natin nung college na hindi na natin nagagawa ngayon?

A. Uminom hanggang umaga.

B. Wala naman.

And it was unanimous, letter A ang sagot nilang lahat. Kasi may considerations na din daw kami ngayon. Tulad ng work, gastos, at marami pang iba. Nakakatuwa ding isipin na ang tingin namin sa mga fresh grads ngayon ay "bata". Kaya naman napapapikit na lang ako sa ilang kaibigan ko na patuloy pa din ang pagpparty kahit na dapat ay nagtatrabaho na sila.

Lahat halos ng Facebook albums ko dati, may hawak akong beer o alak.

Teka, nawala ung purpose ko ng pagsusulat. Anyway, yan muna. Isipin ko lang. Sabaw.

Flooding na lang ng litrato with alcohol.










No comments:

Post a Comment