Medyo nauso ang salitang ito sa opisina. PA-victim ka kung:
pagod ka na pero sinasabi mong okay ka pa din...
gutom ka na pero hindi ka pa din kumakain...
antok ka na pero kunyari hindi pa...
...tapos magrereklamo ka sa huli.
Medyo may ilang mga pa-victim sa opisina, minsan, ako din pa-victim dahil ayaw kong sinasabihan ako na laging relax at cool at tamad.
kapag ngarag na ang buong opisina, ako lang ang bukod-tanging tao na hindi nangangarag. Hindi ko alam kung bakit pero may assurance kasi sa loob ng puso ko na nagsasabing everything will be alright, at hindi naman kailangang mag-panic. Kung mag-panic ba ako, bibilis yung trabaho at babagal ang oras? Hindi naman diba? Hindi pa sila marunong mag-handle ng stress. And to think ang tagal na nila sa industriya.
Nakakalungkot din na hindi pa marunong mag-approach ng tao yung ibang nasa posisyon doon sa trabaho. Parehong resulta naman ang makukuha nila, so why do things in the lesser approach? Pag medyo kabisado ko na ang trabaho, pipiliin ko na ang mga taong gusto kong makasama, pag may nega, NO agad. =) Isang season lang naman itong bago kong show, konting tiis na lang. =)
Nababastusan na din ako sa isa ko pang katrabaho. Lahat ng biro niya, medyo green na. "Mahilig ka naman maghubad sa pictures mo eh, hubad na!" Kahit pabiro, minsan, nakaka-offend na.
Haaay, minsan, mapapaisip ka na lang din talaga kung bakit nasa posisyon yung mga taong hindi naman angkop. Swertehan? Wag naman sana. Kasi napupunta sa mga bagong dating yung burden na gumagawa ng wakenang hierarchy sa trabaho na hindi naman dapat. Sabi pa nung isa kong katrabaho, "ganyan talaga pag bago, kailangan mong magpaalila." Sumagot ako, "kelan pa? tarantado! Wag ka ngang pa-boss!" tapos iniwanan ko. Okay naman ang seniority eh, basta nasa lugar ang paggamit sa seniority.
Ang blog na ito ay isang halimbawa ng pagiging pa-victim. BOW. Bye!
No comments:
Post a Comment