Wednesday, July 14, 2010

Dinhi sa Akong Tupad (Here Beside Me)

DINHI SA AKONG TUPAD
ni: Wado Siman

Namumula ang mga mata ni Estrel nang magising mula sa isang panaginip. Kapos sa hininga at ngimi ang buong katawan sa pinaghalong pawis, lamig at kaba. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang diary mula sa ilalim ng kama at nagsimulang magsulat.

Dear Bes,

Hindi ko maipaliwanag ang panaginip ko ngayon-ngayon lang. Iniwan na daw akong tuluyan ni Rogberto. Sa tuwing makikita ko siya na malayo sa akin, sa tuwing lalapitan ko siya ay bigla na lamang siyang maglalaho. bakit ganoon Bes? Anong nais ipahwiatig ng panaginip ko? Natatakot ako. Samahan mo lang ako Bes.

Nagmamahal, Estrel.

**

Kinaumagahan ay tinungo agad ni Estrel si Rogberto at saka ikinuwento ang kanyang panaginip.

"Panaginip lang yan Es, wag mong pansinin."

May ilang gabi pa na paulit-ulit ang nangyayari sa panaginip ni Estrel. Bawat araw, mas lumalayo ang imahe ni Rogberto. hanggang sa isang gabi pagkalipas ng isang linggo, tuluyan na niyang hindi makita ang irog.

"Rogberto, hindi na kita makita sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito nakikita sa panaginip ko, natatakot ako. Gihigugma ko ikaw Rogberto, nahadlok nako layo ka sa ako. (Mahal kita Rogberto, at natatakot akong malayo ka sa akin)."

"Estrel, yang damgo nimo, damgo lang. Dungon nimo ako..."

Rogberto, hindi naman lalabas yun sa panaginip ko kung wala-wala lang."

"Ano ba ang dili mo masabot, ha? Anong gusto mong himo nako? Hunong nimo damgo? Minaw ka sa ako Estrel,gihigugma ko ikaw, buong kasing-kasing. Mas maniniwala ka na ngayon sa panaginip mo keysa sa ako? Putang-ina Estrel."

"Sorry Rogberto, napapadals lang kasi eh, parang totoo na yung mga damgo nako."

"O, eto mas totoo..."

Namimilog ang luha sa mga mata ni Rogberto.

"Rogbe...bakit ka...?

"Nahihirapan na ako patunayan sa iyo kung gaano kita kamahal. Kahit wala naman akong ginagawang daotan, lagi mo pa din ako pinagbibintangan. Mahal kita, pero ang tingin mo sa pag-ibig ko ay pawang pagtataksil. Wala na sa ako yan Estrel, hindi ko na alam kung paano pa patunayan sa imo ang pagmamahal ko. Nakakapagod."

"Sinasabi ko na nga ba, magkakatotoo ang panaginip ko."

"Hindi sana Estrel, ginawa mong totoo."

WAKAS

No comments:

Post a Comment