Sunday, July 18, 2010

A not quite boring Sunday

Pagkagising ko, sinalubong ko ng isang tawag ang isang espesyal na tao.

Sinimulan namin ang araw sa harap ng aking superhero, si Lord.

Pagkauwi sa bahay ay nag-Wii sandali, at saka nanood ng DVD.

Tutungo sana sa banawe para kumain, inabot ng ulan at nauwi sa lugaw, C2, tinapay, tokwa ang hapon. Ganito ang eksena:

Alas-kwatro ng hapon. Kakatapos lamang bumuhos ng malakas na ulan, naiwan ang malakas na hangin na may tangay na kaunting patak pa ng ulan.

Pagkababa ng kotse ay nagpasalamat sa trapal na nagmistulang bubuong ng maliit na pwesto ng lugawan.

Ihip sa mainit sa lugaw, bubulong ang malamig na hangin ng ulan. Repeat 16x.

Pagkatapos maglugaw ay tumungo sa housewarming ng isang kaibigan.

namangha sa ganda ng bahay. Nainspire na magkaroon ng sariling bahay. Biglang naisip ang condo ko sa Fort. Nag-iba ang pangarap. Na-excite mag-furnish. Ahahah!

nanood ng pelikula, UP. Nakatulog ng konti, pero naappreciate ang ganda ng pelikula.

Umuwi at humarap sa laptop.

Linggo.

No comments:

Post a Comment