Monday, June 14, 2010

What is your greatest fierce?

Takot ako dumating ang bukas, June 14, 2010.

Kanina, nagmeeting kami para sa isang TV show, parang refresher course sa mga tungkulin ng bawat staff. Kung ano ba talaga ang mga trabaho namin kapag pre-prod, production at post. Bilang technical/post Assistant, sadly, sakop ko ang tatlong aspeto ng isang show na ito, bawat isa, may mabibigat na demands.

Sa pre-prod, taga-asikaso ng mga papel at technical stuff na kailangan before shoot. Tapes, camera, lahat ng hilingin ng director. So before shoot, andun dapat ako. Sa shooting mismo, andun din dapat ako para sa audio assist, siguraduhin na may mic lahat ng may linya. Ito ay bagong trabaho na naatas sa akin. Nalungkot ako.

Sa post naman, kailangan bantayan ko ang editor, samahan sa pagpupuyat, bantayan ang scoring, deliver ng copies sa boss, scorer, madami, ayaw ko nang banggitin. Masaya sa una, naexcite pa nga ako na magkaroon ng madaming shows. Pero ngayon, baka hindi na lang muna.

Ang shoot na lang mismo ang inakala kong pahinga ko, tapos biglang may trabaho na ako during shoot. Nakakalungkot kasi parang all throughout the production, may gagawin akong trabaho. Unlike sa ibang P.A. na sa pre-prod lang, or sa shoot lang, or sa post lang. Trabaho nga daw ng dalawang tao ang ginagawa ko, pero bilang unang serious job ko, hindi ko pa kayang tumanggi.

Medyo hindi din naging maganda ang pasok ko dahil naging bongga ang pag build up sa akin ng ilang mga taga UST na nauna na doon. Mayaman, magaling, masipag. So nahihirapan ako ngayon na matupad lahat ng expectations nila. Naging palabiro din ako, na sa ngayon, nasobrahan sila sa pakiki-ride sa akin na minsan, napapagod na akong sakyan.

Siguro, ngayon ko lang ito naramdaman dahil nalungkot ako sa new tasks na nadagdag. Masaya naman kasi talaga eh, hindi ko pa lang siguro matanggap na nagtatrabaho na akong talaga at ganito kahirap sa industriya.

Noong huling taping, 36 hours akong gising. Masakit ang ulo ko habang nagmamaneho. Kinailangan kong tumigil sa McDo, kumain kahit hindi naman gutom, para lang hindi makatulog sa daan.


Lord, penge sign. Kahit text mo na lang.

No comments:

Post a Comment