Tuesday, June 29, 2010
Tech P.A.
INT. MINI STOP INTRAMUROS. ALMOST DAY.
Pumasok si Wado ng 8 ng gabi sa opisina upang makapag-pullout ng gamit mula sa TV5 papuntang Intramuros para sa location ng bago niyang show sa istasyon, ang Camp Tiger.
Ang 12MN na oras ng pullout ay nakumpurmiso hanggang alas-dos y medya para umabot lahat ng gamit. Sumakay si Wado sa van kabilang ang mga camreamen at mga crew.
CREW 1: Pare (sa driver), bagalan mo ang takbo kapag nasa Q. Ave na tayo ah!
CREW 2: Oo, pota. Oras ng mga kakosa natin doon! Yihee!
Pagdating ng Q. Ave, bumagal nga ang driver. nagsimula na ang kaguluhan sa loob ng service van. Kapagdaka ay may nadaanan silang isang kotse na nakabukas ang headlights. Sa tapat ng kotse ay naiilawan ang may siyam na babaeng samu't-saring postura, mukha'y tinadtad ng kolorete, kapwa nang-aakit.
CREW 3: Pare, tinutukan ng headlights! Bigtime si Bossing!
CREW 2: oo nga! Lupet pare! Namimili, may ilaw pa!
Makalipas ang limang minuto, hindi pa din natapos ang usapan tungkol sa bigtime na lalaki kanina.
CREW 4: Pare, dapat dinala natin yung spotter natin, yun ang ipangtututok ko!
CREW 2: hindi pare, 2K!
CREW 5: gamitin natin yung 5K ni direk!
Tumawa lahat, kasama si Wado.
Ang 2K, 5K at spotlight ay halimbawa ng mga ilaw na ginagamit sa shooting. Sa makatuwid, malalakas ang mga ilaw na ito.
WADO: (sa sarili) Pota, tech assistant na talaga ako. Kasi kung sa ibang tao ito ji-noke, hindi sila matatawa. Ako, natawa.
WAKAS.
Ang litrato sa itaas ang kinain ni Wado habang naghihintay sa set-up. set-up noong araw na iyon para sa bagong gameshow sa TV5, abangan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment