Tuesday, June 8, 2010
INT. DAY. VAN PAPUNTANG NOVALICHES.
Umupo si Wado sa likod ng van at nakitang may isang lalaki na ang nakaupo. Mukha siyang construction worker na binihisan ng matino. Nung napatingin si Wado sa bag ng lalaki,Samsonite, nagbago ang tingin ni Wado. Mayaman, hindi lang halata.
Lalaki: (to kundoktor) ilan po ang sumasakay sa likod?
Kundoktor: Depende.
Wado: (ayaw ng sikip?)
Pagsakay ng tatlong pasahero pa, umandar na ang van. Dalawa lang sila doon sa upuan samantalang sa side ni Wado ay tatlo. Gayunpaman, hindi umayos ng upo si lalaki at pinilit pa din ang upo niyang pang mayaman- naka-extend ang tuhod at binti na umaabot sa paa ni Wado. may ilang beses itong tinabig ni Wado subalit walang kibo ang lalaki.
Sa gitna ng van, hindi maayos ang pagkasara ng pinto. Pinakisuyuan ng driver yung babae na nakaupo sa may pinto na buksan at saka sarahan muli.
First attempt. Fail. Second. Third. Fail.
Bumaba ang driver para siya mismo ang magsara. Success.
Lalaki: Ano ba naman yan, para pinto lang.
Tumingin ang babae sa likod at saka umirap.
Wado: (hindi niya kayang sarilihin ang comment, ako din kaya, laksan ko ang comment ko?)
May ilang sandali pa, nagring ang phone ni lalaki.
Lalaki: ma? .....opo.........ang tagal ng fx eh....
Wado: (fx? van to gago!)
Lalaki: malapit na ako sa bayan.....bye.
Hindi pa din umayos ng upo ang lalaki. Bagamat halatang sikip na sa upuan sa panig nina Wado, ay mistulang wala itong pakialam.
Wado: (gaganti ako. Kukunan kita ng litrato at ilalabas ko ang galit ko sa pamamagitan ng isang blog kasama ang iyong litrato.)
WAKAS.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha, wala nga sa itsura nya :D
ReplyDeletedibaaa?! ahahah!
ReplyDelete