Tuesday, June 29, 2010

Tech P.A.



INT. MINI STOP INTRAMUROS. ALMOST DAY.

Pumasok si Wado ng 8 ng gabi sa opisina upang makapag-pullout ng gamit mula sa TV5 papuntang Intramuros para sa location ng bago niyang show sa istasyon, ang Camp Tiger.

Ang 12MN na oras ng pullout ay nakumpurmiso hanggang alas-dos y medya para umabot lahat ng gamit. Sumakay si Wado sa van kabilang ang mga camreamen at mga crew.

CREW 1: Pare (sa driver), bagalan mo ang takbo kapag nasa Q. Ave na tayo ah!

CREW 2: Oo, pota. Oras ng mga kakosa natin doon! Yihee!

Pagdating ng Q. Ave, bumagal nga ang driver. nagsimula na ang kaguluhan sa loob ng service van. Kapagdaka ay may nadaanan silang isang kotse na nakabukas ang headlights. Sa tapat ng kotse ay naiilawan ang may siyam na babaeng samu't-saring postura, mukha'y tinadtad ng kolorete, kapwa nang-aakit.

CREW 3: Pare, tinutukan ng headlights! Bigtime si Bossing!

CREW 2: oo nga! Lupet pare! Namimili, may ilaw pa!

Makalipas ang limang minuto, hindi pa din natapos ang usapan tungkol sa bigtime na lalaki kanina.

CREW 4: Pare, dapat dinala natin yung spotter natin, yun ang ipangtututok ko!

CREW 2: hindi pare, 2K!

CREW 5: gamitin natin yung 5K ni direk!

Tumawa lahat, kasama si Wado.

Ang 2K, 5K at spotlight ay halimbawa ng mga ilaw na ginagamit sa shooting. Sa makatuwid, malalakas ang mga ilaw na ito.

WADO: (sa sarili) Pota, tech assistant na talaga ako. Kasi kung sa ibang tao ito ji-noke, hindi sila matatawa. Ako, natawa.

WAKAS.

Ang litrato sa itaas ang kinain ni Wado habang naghihintay sa set-up. set-up noong araw na iyon para sa bagong gameshow sa TV5, abangan.

Wednesday, June 23, 2010

Gusto ko lamang sa buhay...

Hanggang ngayon, nasa utak ko pa din ang kantang yan, Sugaerfree yata ang kumanta, di ko lang sigurado. Napaisip tuloy ako, ano ba ang gusto ko sa buhay?

Minsan kasi, sa sobrang dami ng gusto natin, hindi natin alam kung alin ba dun yung talagang gusto natin. Yung mga bagay ba na can't-live-without.Natatakpan sila nung mga bagay na nakita lang natin sa daan, tapos naisip na gusto din pala natin. Mga spontaneous na bagay.

Wala namang masama sa pagiging spontaneous eh, gusto ko lang, matukoy kung ano talaga yung gusto ko base sa pangangailangan ko.

Kagabi, kumain ako sa Fat Michael's, sinopresa ako dahil birthday ko. Sa totoo lang, ayaw ko ng surprises. Yung hindi mo alam kung saan pupunta, yung hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo. Pero yung sopresa kagabi, hindi ako nakaramdam ng takot. Siguro nasa tao din yun, yung pagsusorpresa. Kung tiwala ka naman na hindi ka ipapahamak nung tao, bakit ka maatakot?

RANDOMS

Sunday, June 20, 2010

2

2 days to go before my birthday

Tuesday is the 2nd day of the week

I'll be turning 22 on Tuesday

2nd month of two people in love

June 22 falls on a Tuesday

It all boils down to 2.

22 years old on a June 22

So I'll be celebrating my birthday in two days, and I still don't have money to celebrate, "unbusy" friends to compensate, no out-of-town trips to look forward to, in short, I'm bored.

Bored. I've been all work for two weeks now. And last night was different. I was like high school all over again. I went to a new friend's pad and surrendered under Bacardi's mercy. We were playing high school students' games, forgetting about work, the world. For a time, I felt free. But this freedom is one of a kind, something I'd prefer to visit only once in a while. I'd like to be tied down at the end of the day, tied to work, tied to the people I love and care about. Because when I am tied down, then I am free. Being tied down doesn't handicap us, it reminds us of our responsibilities and limitations. Last night, I was irresponsible and limitless. Done.

So what do I do on my birthday? I don't know. My mom's planning on a simple house party, which I immediately said no to. I was so certain that if this happens, my dad's friends are gonna come over and drink. It's bad enough that he asked for Engelbert tickets on my birthday, just get him out of the house on my day, and I'll be okay.

Today, I am afraid of what tomorrow will bring. I am uncertain of what life will bring me. If yesterday I was sure of everything, now it's all a blur.

Maybe this is all because of my upcoming birthday. And I don't really feel good about it.

Monday, June 14, 2010

HangUp


INT. 7-11 SA NOVALICHES. NIGHT.

May kausap sa telepono ang isang bakla habang si Wado ay kumakain ng instant Beef Pares. Bagamat bumubulong sa kausap ay dinig na dinig ni Wado ang usapan nung bakla at ng nasa kabilang linya ng telepono. Naka-loud speaker kasi ito.

BAKLA: Anoh ba! Ano naman gagawin ko jan ip eber?

:: Edi kamustahin siya, ano pa ba?

BAKLA: Nakakahiya kaya. Pirst time kong bisit ito no!

:: Ang arte mo bakla! Punta na kasi.

BAKLA: Nakakahiya. Fromise. Hindi nga ako makapagpakita sa mga kapatid niya eh.

:: Ganon?

BAKLA: At saka hindi naman ako invited. What will I do there naman?

*Dial tone.

Binabaan.

Ganda mo kasi.

WAKAS.

What is your greatest fierce?

Takot ako dumating ang bukas, June 14, 2010.

Kanina, nagmeeting kami para sa isang TV show, parang refresher course sa mga tungkulin ng bawat staff. Kung ano ba talaga ang mga trabaho namin kapag pre-prod, production at post. Bilang technical/post Assistant, sadly, sakop ko ang tatlong aspeto ng isang show na ito, bawat isa, may mabibigat na demands.

Sa pre-prod, taga-asikaso ng mga papel at technical stuff na kailangan before shoot. Tapes, camera, lahat ng hilingin ng director. So before shoot, andun dapat ako. Sa shooting mismo, andun din dapat ako para sa audio assist, siguraduhin na may mic lahat ng may linya. Ito ay bagong trabaho na naatas sa akin. Nalungkot ako.

Sa post naman, kailangan bantayan ko ang editor, samahan sa pagpupuyat, bantayan ang scoring, deliver ng copies sa boss, scorer, madami, ayaw ko nang banggitin. Masaya sa una, naexcite pa nga ako na magkaroon ng madaming shows. Pero ngayon, baka hindi na lang muna.

Ang shoot na lang mismo ang inakala kong pahinga ko, tapos biglang may trabaho na ako during shoot. Nakakalungkot kasi parang all throughout the production, may gagawin akong trabaho. Unlike sa ibang P.A. na sa pre-prod lang, or sa shoot lang, or sa post lang. Trabaho nga daw ng dalawang tao ang ginagawa ko, pero bilang unang serious job ko, hindi ko pa kayang tumanggi.

Medyo hindi din naging maganda ang pasok ko dahil naging bongga ang pag build up sa akin ng ilang mga taga UST na nauna na doon. Mayaman, magaling, masipag. So nahihirapan ako ngayon na matupad lahat ng expectations nila. Naging palabiro din ako, na sa ngayon, nasobrahan sila sa pakiki-ride sa akin na minsan, napapagod na akong sakyan.

Siguro, ngayon ko lang ito naramdaman dahil nalungkot ako sa new tasks na nadagdag. Masaya naman kasi talaga eh, hindi ko pa lang siguro matanggap na nagtatrabaho na akong talaga at ganito kahirap sa industriya.

Noong huling taping, 36 hours akong gising. Masakit ang ulo ko habang nagmamaneho. Kinailangan kong tumigil sa McDo, kumain kahit hindi naman gutom, para lang hindi makatulog sa daan.


Lord, penge sign. Kahit text mo na lang.

Sunday, June 13, 2010

Happy Father's Day


I'd tell these things to my dad, but I can't and I won't. he'll get mad. Let me start on the bad news.

I'm not really proud of him per se. He's everything a dad in books is not. But he made me realize certain realities in life that gave me a lot of wisdom.

Though my mom is fully capable of providing us the quality lifestyle we deserve, my dad brings out the negative things in life and constantly reminds us that money is not everything, so he gives away my mom's money to the poor, as a Barangay Chairman.

As a politician, he's a failure. He sees a P3,500 monthly salary as a good business. Of course, he was referring to the *additional budget allocations of the government for their projects. But after a term, nothing much has changed in our barangay, and he still asks money from my mom. For every three people he meets, two become his enemies, and the latter either neutral or if he's lucky, a friend. I don't know what hope he sees in our government today, more-so in our barangay. He works as a political prostitute by switching to the stronger party from time to time. For almost 6 years in politics, he only grew worse.

As an entrepreneur, he is a failure as well. After retiring from being a policeman, he got his retirement fee. It was big enough to get us a car, or a house. But my dad chose to invest in lechon. He bought a huge lot and built his small piggery, ihawan for 14 pigs simultaneously, a house for his employees-to-be, a grand welcome party, and of course, pigs. After six months into the business, it died a natural death. After some time, he loaned from my mom and started a "kambingan" with a friend.

After three weeks, the business closed for good. His business partner didn't like the way he ran the restaurant, so he left. After some time, my dad loaned again and started this ice drop business. His brother's (my uncle) ice cream business in Laguna was a riot he thought it would work the same in Lucena. It didn't.

He opened a bakery, loaned money for the huge machines for baking, and opened. After a week, his employees left. They weren't happy, and so was my dad.

I'd be counting millions if we talk about the losses my dad has made as a businessman. But as he says, "pera lang yan". I hope I could say the same thing to my mom who works really hard on the money my dad wastes away.

As a husband, he's a failure. he fights with my mom a lot for valuing money. But if it wasn't for her, I wouldn't have finished college. We wouldn't have a car, a house, a condo in the Fort etc. But my dad sees "beyond" these things. And they argue about this a lot. Until now, my mom pays for everything in the house.

It surprised me though that my dad wanted to become part of my first salary by taking him to the Engelbert Humpwhatever concert. Sure he remembered his concert, but forgotten that it lands on my birthday. Lucky me. Wohoo.

As a father, if it wasn't for my other siblings, and if it wasn't for his incapacity to provide for the family, he'd be an okay one.

He'd wake up in the middle of the night to prepare breakfast for us before we go to school. He'd take us to school or anywhere for that matter even if he lacks sleep. He'd attend parent-teacher conferences and retreats when my mom is too busy working. He'd make sure that the house is secured before we go to sleep. he'd stay up late if I or any of my siblings are not home yet. He'd always kiss me hello and goodbye.

He's a sweet dad, a consolation for all of his shortcomings. And I love him just like that. happy father's day, dad! I love you!

Tuesday, June 8, 2010


INT. DAY. VAN PAPUNTANG NOVALICHES.

Umupo si Wado sa likod ng van at nakitang may isang lalaki na ang nakaupo. Mukha siyang construction worker na binihisan ng matino. Nung napatingin si Wado sa bag ng lalaki,Samsonite, nagbago ang tingin ni Wado. Mayaman, hindi lang halata.

Lalaki: (to kundoktor) ilan po ang sumasakay sa likod?

Kundoktor: Depende.

Wado: (ayaw ng sikip?)

Pagsakay ng tatlong pasahero pa, umandar na ang van. Dalawa lang sila doon sa upuan samantalang sa side ni Wado ay tatlo. Gayunpaman, hindi umayos ng upo si lalaki at pinilit pa din ang upo niyang pang mayaman- naka-extend ang tuhod at binti na umaabot sa paa ni Wado. may ilang beses itong tinabig ni Wado subalit walang kibo ang lalaki.

Sa gitna ng van, hindi maayos ang pagkasara ng pinto. Pinakisuyuan ng driver yung babae na nakaupo sa may pinto na buksan at saka sarahan muli.

First attempt. Fail. Second. Third. Fail.

Bumaba ang driver para siya mismo ang magsara. Success.

Lalaki: Ano ba naman yan, para pinto lang.

Tumingin ang babae sa likod at saka umirap.

Wado: (hindi niya kayang sarilihin ang comment, ako din kaya, laksan ko ang comment ko?)

May ilang sandali pa, nagring ang phone ni lalaki.

Lalaki: ma? .....opo.........ang tagal ng fx eh....

Wado: (fx? van to gago!)

Lalaki: malapit na ako sa bayan.....bye.

Hindi pa din umayos ng upo ang lalaki. Bagamat halatang sikip na sa upuan sa panig nina Wado, ay mistulang wala itong pakialam.

Wado: (gaganti ako. Kukunan kita ng litrato at ilalabas ko ang galit ko sa pamamagitan ng isang blog kasama ang iyong litrato.)

WAKAS.

Saturday, June 5, 2010

Wakas ng El Nino

Bumuhos ang ulan, tumila at bumuhos muli

Pusong di mapakali, nagtitimpi at tahimik

Pinakiramdaman ang puso, nakinig sa bulong

Saan ito hahantong, at hanggang kailan?

Bumuhos muli ang ulan, ngayon, sa aking puso

Bumaha, tumila, at bumuhos muli

Nag-umapaw ito, bumhang lalo hanggang sa ako'y malunod

Pinilit huminga, nilaban ang agos

Lumabas ang araw, sa gitna ng ulan, nakipaglaban

Pinagmasdan ang langit, inabangan ang magwawagi

Sa puso'y napatingin muli, ngumiti, at saka napanatag

Tapos na ang laban, panalo. Panalong panalo na ako.

Workforce

So I started working not so long ago, three days ago lang. I told myself that after World Stage, I will look for a job na. Singapore will have to wait, because now, I found my heart at TV5.

My professor/ Producer introduced me to a project last week for McDonalds. I was to edit this project but circumstances brought about by technological failures led to the project's derailment and was assigned to someone better, someone who knows FCP. i really should switch to Mac.

Anyway, just as i was about to push the remaining worknerves in me for Singapore, I received a text from Mam Faye about her Post Production staff's resignation. I was offered the position and I simply couldn't say no. First, it's a job I want. Second, it's Mam Faye. And lastly, my friends Joselle and Macky are working at TV5 as well.

When I said yes to the job, another job offer from Singapore came in a little too late. And so I said, it will have to wait.

I went home at 7am this morning. 23 straight hours into work. 7 hours of good sleep. But the back of my head hurts. I'm not used to sleep deprivation anymore, I guess.

So far, work's been treating me nicely. What people say is true, that when you start working, it's not the money that matters, but the kind of job you get and the people you work with. Because above anything else, they give you reasons to go to work everyday. And frankly, I have got all the reasons to stay. I'm not saying money is not good, in fact, it's good-er. ahahh.

It's a good thing I went to Anawangin before I started with work. Now I feel driven.

My first salary will go to my mom. I can't wait for the 10th. And of course, for my birthday. ahahah!









Here are some of my photos at Anawangin. The place is just LOVELY. <3