Sunday, May 9, 2010

Travel-holic me




When i woke up this morning, sinumpong na naman ako ng pagiging travel-holic ko. Last week, sumugod ako sa Enchanted kingdom ng mag-isa, kanina naman, sumugod ako sa Clark, Pampanga dahil may nalikom akong kwarta kahapon mula sa WSS, at naisipan kong i-treat ang sarili ko sa isang mahaba-habang driving.

Naisip ko din na dahil mother's day ngayon at hindi naman ako uuwi sa eleksyon, might as well have some alone time muli (walang koneksyon).

Tumigil ako sa NLEX para kumain sa Mocha Blends.

So pagdating ko sa Clark, hinanap ko ang Zoobic, pero tinamad na ako dahil tinamad ako. Umikot na lang muna ako sa SM nila pero fail. Walang kakaiba, walang binatbat. kaya umalis na lang ako.

Pauwi, naisipan kong dumaan sa isa sa mga Bulacan. Meycauayan? pampanga kaya? San Fernando? Mexico? Eh ano naman makikita ko doon?!

Sa daan, nakita ko ang tourism poster ng Barasoain church, sa malolos yata. Umexit ako sa exit na sinabi, 30 mins away ang simbahan.

pagdating ko sa Barasoain, may patay, libing niya ngayon. Wow. Wow lang!

Anyway, nagdasal na lang ako sa adoration chapel nila at kinausap ang boss ko (namin). =) Matagl na din kaming hindi nakapag-usap. After 20 minutes, puro thank you na lang ang nasabi ko, sa dami ng blessings na dumadating sa akin. Grabe.

Humiling ako ng malinis na eleksyon, tapos umalis na din, ayaw kong gabihin sa daan. habang tumutugtog si John Meyer sa radyo ko, pinagmasdan ko ang magandang ulap sa langit ng Pampanga, muntik akong maiyak.

Iba ang pakiramdam kapag nakakapaglaan ka ng oras para sa sarili mo. Naiinis ako sa ibang taong sabik magtrabaho, sabik makaipon ng pera, sabik sa panahon. Hindi sila marunong mag appreciate ng small things tulad nito na hindi mabibili ng salapi, (although mahal ang biyahe, ahaah!). Ang akin lang, take things slow, bata pa naman tayo, hindi kailangan magmadali.

Anyway, nakapagdesisyon na ako kung saan ako maghahanap ng trabaho. Malaki ito, kaya akin na lang muna at baka maudlot. Sana ito ang tamang desisyon.

mahal ako ni Lord. =)

Happy mother's day sa mga moms ninyo. <3

No comments:

Post a Comment