Sinong mag-aakala na ang Hello Panda ang makakabuo ng araw ko?
Unti-unti ko nang nakikita ang fuuture ko, umaanfold sa harap ng mga mata ko. Alam mo yung pakiramdam na lahat ng bagay ay napupunta sa dapat nilang kalagyan? Ganon.
Binitawan ko na muna ang pangarap kong mangibang-bansa. Tama ang sabi ng mom ko, na hindi talaga trabaho ang habol ko sa ibang bansa, kundi bakasyon. Naramdaman ko din na ayaw din niya akong umalis.
Naka-chat ko si Direk Sweet at sinuggest niyang mag-apply ako sa isang kumpanya, na malaki daw ang sweldo. Yung kikitain ko daw dun, katumbas ng kikitain ko sa Singapore. Sabay "Pak!". ahah! Thanks sa payo, sana nga, "arrive na arrive" ang pagpasok ko sa industriyang ito.
Isang Buwan. Isang buwan lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko, parang isang taon na. Ganito pala talaga kapag masaya ka, ambilis ng oras. Salamat sa pagkakataon, sa oras, sa attention, sa lahat-lahat.
Gumawa na din ako ng Bucket list noong isang linggo. Narealize ko na ang dami ko palang gustong gawin sa buhay. Ang dami ko din palang pangarap na hindi ko pinapansin dahil nakontento na ako sa simpeng buhay. Naisip ko naman na hindi masamang humingi ng konting extra, bonus ba. Bilang napaka bait ko naman, siguro, pwede akong humiling ng konti. Eto yung bucket list ko.
Mas nagkaroon ako ng direksyon sa buhay ngayong wala na ang mga magugulong tao sa buhay ko. O baka naman nahanap ko lang ang taong makakapag-tuwid sa lahat? pwede. Maari. Sana.
Masaya ang mabuhay, lalo na kung alam mong hindi ka nag-iisa.
No comments:
Post a Comment