napanaginipan ko nung isang gabi na okay na kami ni JC Nepomuceno. nanonood daw kami ng movie together. Sa kalagitnaan ng pelikula, nakalimutan kong gago pala siya at isang manyak, pero katabi ko na siya at hindi ko alam kung paano icoconfront. Hindi ko naenjoy ang movie, bwiset kang gago ka.
Kagabi, dahil natulog ako ng busog, binangungot na naman daw ako. May pinatay daw akong tao. Hindi ko na maalala ngayon, pero super kilala ko yung tao, tito ko yata. Not sure. Pero dreams, kabaliktaran naman. So bubuhayin ko ang tito kong namatay? Labo.
Akala ko, masama na ang mga panaginip ko, pero hindi pala. Pagkagising ko, number two pa din si Erap sa eleksyon. Gah! Mga bobong Pilipino, hindi na natuto. Die Jejemons! Tapos yung Mayor sa amin, namigay ng P500 kahapon, as in madami daw. Hindi binigyan si mommy dahil alam na kalaban nila si dad. Ayun, nanalo si mayor, for the nth time.
Pupunta na talaga ako ng Singapore, at isasama ko ang nanay ko. Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas.
Blessing na din siguro na nanalo ang kalaban ni dad, at least matatakot na siyang tumakbo dahil hindi na siya malakas kay mayor. Utang na loob naman dad, awat na! hanap ka na lang ng totoong trabaho. Gah. Pag tumakbo pa siya, migrate na talaga ito.
***
Anyway, may lump ako sa chest na mukhang pimple pero hindi. Hindi pigsa, kasi 8 years na siyang andun. Kaninag umaga, I decided to meddle with it. Surgeon mode. Ahahah! Ayun, natanggal ko kung ano mang nasa loob, kadiri. Pero after 8 years of answering questions like, "ano yang nasa chest mo?". "Hey, what's that? Third nipple?", ngayon, okay na. Wala na, sana. ahahahah
***Ayun lang, updating. =)
pwede nyo po bang hulaan ang ibig sabihin ng panaginip ko,ang napanaginipan ko po kasi ay isang comet,nakalimutan ko na po kung nasaang lugar kami pero tatama daw samin ito,pero di daw natuloy dahil nung pagkatama nito samin bigla nlng daw naglaho tapos dun nlng ako nagising.
ReplyDeleteAt eto pa po, napanaginipan ko po ang isang time machine, meron po akong relo na kapag iniba mo ang oras ay mapupunta ka sa past or future. Nung isang araw, pumunta daw po ako sa bahay nung classmate(noong grade 1 pero ngayon di na) ko, at tapos pumunta nman po ako sa past, pumunta po ako sa bahay ng isa ko pang kaklase pero hindi nya po ako kilala, bago pa po pala ako pumunta sakanila,pumunta din daw po pala ako sakanila pero nung araw na yun kilala nya po ako, tapos nung ginamit ko daw po yung time machine, di nya na daw po ako kilala. At tapos nung sinabi ko po ito sa mga kapatid ko ayaw po nila maniwala saken.Sinabi ko po sakanila na kapag ginamit ko ito, mawawala po ako sa harapan nila at babalik muli.Pero di ko na po iyon nagawa dahil baka sa ibang lugar po ako mapunta, tapos dun na po ako nagising.