Sunday, May 23, 2010

Hello Panda

Sinong mag-aakala na ang Hello Panda ang makakabuo ng araw ko?

Unti-unti ko nang nakikita ang fuuture ko, umaanfold sa harap ng mga mata ko. Alam mo yung pakiramdam na lahat ng bagay ay napupunta sa dapat nilang kalagyan? Ganon.

Binitawan ko na muna ang pangarap kong mangibang-bansa. Tama ang sabi ng mom ko, na hindi talaga trabaho ang habol ko sa ibang bansa, kundi bakasyon. Naramdaman ko din na ayaw din niya akong umalis.

Naka-chat ko si Direk Sweet at sinuggest niyang mag-apply ako sa isang kumpanya, na malaki daw ang sweldo. Yung kikitain ko daw dun, katumbas ng kikitain ko sa Singapore. Sabay "Pak!". ahah! Thanks sa payo, sana nga, "arrive na arrive" ang pagpasok ko sa industriyang ito.

Isang Buwan. Isang buwan lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko, parang isang taon na. Ganito pala talaga kapag masaya ka, ambilis ng oras. Salamat sa pagkakataon, sa oras, sa attention, sa lahat-lahat.

Gumawa na din ako ng Bucket list noong isang linggo. Narealize ko na ang dami ko palang gustong gawin sa buhay. Ang dami ko din palang pangarap na hindi ko pinapansin dahil nakontento na ako sa simpeng buhay. Naisip ko naman na hindi masamang humingi ng konting extra, bonus ba. Bilang napaka bait ko naman, siguro, pwede akong humiling ng konti. Eto yung bucket list ko.


Mas nagkaroon ako ng direksyon sa buhay ngayong wala na ang mga magugulong tao sa buhay ko. O baka naman nahanap ko lang ang taong makakapag-tuwid sa lahat? pwede. Maari. Sana.

Masaya ang mabuhay, lalo na kung alam mong hindi ka nag-iisa.

Thursday, May 13, 2010

On Empty Spaces

They say empty spaces are to be filled. That is what I am looking for right now, something to fill in these spaces.

Just for today, I am feeling empty. I don't know for what reason exactly, I just feel plain empty. Drained, exhausted and tired.


Maybe it's because I saw an ex friend at a party last night, and the thought of him trying to please everyone else exhausts me. Somehow, I am affected not because I still care, but because everytime I see him do that, strongly reminds me of how he treated me the same before and later on stabbed me with it. I'd pick a fight with him, but that's just not me. I won't stoop to doing something so low. You'd expect him to do that, but not me. Hope you'd be gone for good, you suck the joys and happiness out of me. Pathetic me. This wawa's for me.

Maybe because most of my friends already have jobs and I don't have one yet. Applying for a job at Singapore would mean a huge leap for me, and by leap I meant risk, ahah! It's frustrating that in a month's time, they'd be earning and I won't. So this is how it feels, empty...pocket! ahahh!

My lovelife is finally paying its dues. Thank you "Deme" for filling in these spaces. I am thankful for the every day you're making me happy and proud. You are my world now, and I am looking forward to a lifetime ahead with you.

But sadly, for now, I hope it's only for now, I feel empty.

Monday, May 10, 2010

Inday (part 3)

Umuwi ako ng late mula sa isang party one night. Eh may meeting ako ng 7am kinabukasan. 3am na ako nakauwi. So dahil hindi ako tinatablan ng phone alarm at kahit anopamang alarm clock, nag-iwan ako ng note kay Inday at inipit ito sa refrigerator magnet. Sabi ko sa sulat:

Inday,

Pakigising ako ng 5:30 bukas. Importanteng gisingin mo ako dahil importante ang meeting ko. Hindi pwedeng hindi! Kahit magalit ako, okay lang. Ha? ---Wado

***

Nagising ako kinaumagahan nang may isang basong tubig na sumabog sa mukha ko.

"Anak ng *$#&! Ano 'to?"

"Ang hirap mong gisingin!"

pagtingin ko sa orasan, quarter to 7 na.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising!? hindi na ako makakaligo!"

"Ayan, binuhusan na kita, yan na ang ligo mo."

"Diba sabi ko 5:30?"

Hinila na kita sa kama pababa, gumapang ka pabalik. Tinapat ko na cellphone mo sa tenga mo, ayaw pa din. Ayan, binuhusan na lang kita. O diba?"

"Sa bagay. Thanks sa paligo Inday. Pahain na ng breakfast."

"Kanina pa meron, it's cold na nga o!"

"Sorry na. Sorry."

Next time pipicturan ko tong si Inday! ahahah!

Babalik na siya today!!!

Panaginip

napanaginipan ko nung isang gabi na okay na kami ni JC Nepomuceno. nanonood daw kami ng movie together. Sa kalagitnaan ng pelikula, nakalimutan kong gago pala siya at isang manyak, pero katabi ko na siya at hindi ko alam kung paano icoconfront. Hindi ko naenjoy ang movie, bwiset kang gago ka.

Kagabi, dahil natulog ako ng busog, binangungot na naman daw ako. May pinatay daw akong tao. Hindi ko na maalala ngayon, pero super kilala ko yung tao, tito ko yata. Not sure. Pero dreams, kabaliktaran naman. So bubuhayin ko ang tito kong namatay? Labo.

Akala ko, masama na ang mga panaginip ko, pero hindi pala. Pagkagising ko, number two pa din si Erap sa eleksyon. Gah! Mga bobong Pilipino, hindi na natuto. Die Jejemons! Tapos yung Mayor sa amin, namigay ng P500 kahapon, as in madami daw. Hindi binigyan si mommy dahil alam na kalaban nila si dad. Ayun, nanalo si mayor, for the nth time.

Pupunta na talaga ako ng Singapore, at isasama ko ang nanay ko. Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas.

Blessing na din siguro na nanalo ang kalaban ni dad, at least matatakot na siyang tumakbo dahil hindi na siya malakas kay mayor. Utang na loob naman dad, awat na! hanap ka na lang ng totoong trabaho. Gah. Pag tumakbo pa siya, migrate na talaga ito.

***

Anyway, may lump ako sa chest na mukhang pimple pero hindi. Hindi pigsa, kasi 8 years na siyang andun. Kaninag umaga, I decided to meddle with it. Surgeon mode. Ahahah! Ayun, natanggal ko kung ano mang nasa loob, kadiri. Pero after 8 years of answering questions like, "ano yang nasa chest mo?". "Hey, what's that? Third nipple?", ngayon, okay na. Wala na, sana. ahahahah

***Ayun lang, updating. =)

Sunday, May 9, 2010

Travel-holic me




When i woke up this morning, sinumpong na naman ako ng pagiging travel-holic ko. Last week, sumugod ako sa Enchanted kingdom ng mag-isa, kanina naman, sumugod ako sa Clark, Pampanga dahil may nalikom akong kwarta kahapon mula sa WSS, at naisipan kong i-treat ang sarili ko sa isang mahaba-habang driving.

Naisip ko din na dahil mother's day ngayon at hindi naman ako uuwi sa eleksyon, might as well have some alone time muli (walang koneksyon).

Tumigil ako sa NLEX para kumain sa Mocha Blends.

So pagdating ko sa Clark, hinanap ko ang Zoobic, pero tinamad na ako dahil tinamad ako. Umikot na lang muna ako sa SM nila pero fail. Walang kakaiba, walang binatbat. kaya umalis na lang ako.

Pauwi, naisipan kong dumaan sa isa sa mga Bulacan. Meycauayan? pampanga kaya? San Fernando? Mexico? Eh ano naman makikita ko doon?!

Sa daan, nakita ko ang tourism poster ng Barasoain church, sa malolos yata. Umexit ako sa exit na sinabi, 30 mins away ang simbahan.

pagdating ko sa Barasoain, may patay, libing niya ngayon. Wow. Wow lang!

Anyway, nagdasal na lang ako sa adoration chapel nila at kinausap ang boss ko (namin). =) Matagl na din kaming hindi nakapag-usap. After 20 minutes, puro thank you na lang ang nasabi ko, sa dami ng blessings na dumadating sa akin. Grabe.

Humiling ako ng malinis na eleksyon, tapos umalis na din, ayaw kong gabihin sa daan. habang tumutugtog si John Meyer sa radyo ko, pinagmasdan ko ang magandang ulap sa langit ng Pampanga, muntik akong maiyak.

Iba ang pakiramdam kapag nakakapaglaan ka ng oras para sa sarili mo. Naiinis ako sa ibang taong sabik magtrabaho, sabik makaipon ng pera, sabik sa panahon. Hindi sila marunong mag appreciate ng small things tulad nito na hindi mabibili ng salapi, (although mahal ang biyahe, ahaah!). Ang akin lang, take things slow, bata pa naman tayo, hindi kailangan magmadali.

Anyway, nakapagdesisyon na ako kung saan ako maghahanap ng trabaho. Malaki ito, kaya akin na lang muna at baka maudlot. Sana ito ang tamang desisyon.

mahal ako ni Lord. =)

Happy mother's day sa mga moms ninyo. <3