Hindi ko na po alam kung paano ang tama. Nakakatakot po kasi ang daming humihingi sa akin ng payo, nagkukwento, humihingi ng opinyon at marami pang iba. Minsan, naisip kong manahimik na lang. Natatakot din kasi ako, dahil kahit sa sarili ko, alam kong may mga problema din akong kahit alam ko na naman ang tamang sagot, hindi ko pa din ginagawan ng aksyon. Therefore, sino ba naman ako para magbigay ng payo? Tarantado ko.
Manong Lito, pwede po bang iwan mo muna ako kahit sandali lang? Gusto ko pong mapag-isa. Ang dami ko pa po kasing dapat gawin sa school, tulad ng Mediacomm, Broadjourn, DevComm na hindi ko alam kung paano at saan ko isisingit ang photoshoot na gusto niya, anjan ang lit finals, ang film finals na isang theater play. Nanlalambot na po ako manong, sobra.
Next week nga po, may retreat kami sa Tagaytay, hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumama. Mas madami kasi akong magagawa kapag hindi na lang ako tumuloy. Ewan ko talaga manong, baka pagod lang ako ngayon kaya ganito ako mag-isip. Sana bukas hindi na, medyo namimiss ko yung optimist na ako eh. Pag nakita ninyo siya, pasabi na lang ha?
Hanggang dito na lang po muna siguro Manong, may rehearsals pa kami ng play eh. Ang usapan 8:00am, dumating ako on time, tapos 8:15 magtetext na 9:30 na lang daw dahil may problema sa bahay. Bullshit, sana hindi na lang ako nagmadali, birthday pa naman ng ate ko.
Sana sumama ka sa retreat, magandang experience iyon. Isa iyan sa mga gusto ko ulit gawin.
ReplyDelete