Friday, October 9, 2009

Penmanship Personality test

Sa last day ng photography class, our professor decided to unwind with the students by reading their handwriting. Ayaw ko talaga sa mga ganun, hindi din ako naniniwala na kaya niyang basahin ang personality mo base sa penmanship mo. pero nung buong klase na ang kasali, sumali na din ako. Dinala ko ang planner kong puro doodle kay sir, and let him read my personality.



"Wow" Sabi niya agad. "you are an artist ah! Kaya naman people find it hard to understand you." And then he looks at Audrey na kakatapos lang niyang basahin. "Talo ka nito hija, mas malakas ang right brain niya kesa sa iyo. Look at his planner o, he draws para hindi mapagod."

Puzzled, tinanong ko kung ano ang purpose ng right brain.

"When your left brain gets tired from all the memorizing, the thinking, you can shut it down and use your right brain instead to channel your stress. Kaya hindi ka masyado napapagod kasi you know how to divert your attention. Pero yun nga, mahirap kang intindihin, ganyan tayong lahat na mga artist."

So that explains it. Sabi ko sa sarili ko.

Then I asked. "Sir, eh ang love life ko po, kamusta?"

"Okay naman."

"Paanong okay?"

"Like i said, mahihirapan kang humanap ng taong iintindi sa iyo. That person must really, really love you para maintindihan ka. Complicated ka kasing tao eh." Tumawa si Audrey.

"So yun ang challenge ko sa love, sir? Ang makahanap ng taong maiintindihan ako?"

"Oo. Loyal ka naman eh. You'll be a good husband, and a good father." Nagreact si Manjie. "Good father pala eh!"

"And when you find that person na nakakaintindi sa iyo, don't let her go. But I know in time, she will come."

"Sa career ba sir? Yayaman ba ako?"

"Stay sa media. Ano ba ang hilig mo?"

"Editing po. Ng videos."

"That's good! Stay on that field. Yayaman ka!"

Sa isip ko, "yayaman lalo."

And then, natapos ang test with these final words from Sir Rotor.

"Don't let go of your passion, this is what will make you successful. And find that girl who will understand you. Mahirap mahalin talaga ang artists."

Bumalik ako sa upuan ko ng nakangiti. Parang nainspire ako na ewan. All the more I understood myself, pati na din ang lahat ng nangyari sa akin nitong nagdaang mga buwan. Parang lahat tuloy bigla, destined talaga mangyari. Kasi, konti-konti ko nang nakikita ang purpose ko sa buhay.

After the test, hindi pa din ako naniniwala sa penmanship test. Pero naniniwala ako na mahirap akong intindihin. At kung meron mang makaintindi sa akin, must really, really love me, kaya nila ako naiintindihan.

At the end of the day, I couldn't be anymore thankful that I'm getting that kind of understanding from my friends. And tulad nga ng sabi ni Sir, sana makita ko na din yung tao na magmamahal beyond my imperfections, and the one who would really understand. Loyal naman daw ako eh, mahirap lang talagang intindihin. Aahahahah!


3 comments:

  1. I enjoyed reading this post. Glad to know there are still hopeless romantic guys nowadays. =) Good luck on your love life!

    ReplyDelete
  2. ay, ako din, ngayon ko lang ulit ito nabasa. Posted it on Facebook tuloy. Thanks. =D Bigyan mo nga ako ng matinong lovelife. ahahaha

    ReplyDelete
  3. You're welcome. Kung ako lang sana ang fairy godmother mo e bibigyan kita ng matinong lovelife kaso wala akong magic e haha kaya pagppray nalang kita. =)

    ReplyDelete