Thursday, October 29, 2009

Ganito kami sa Lucena

Pagdating ko pa lang sa Lucena, sinalubong na ako ni Beijing at ng super cute na mini pincher na pinangalanan kong Chelsea. I left Manila ng 6am, got here around 9am na din. Mom prepared a hearty breakfast for me, as dad took me to the City Hall afterwards to register.

Hindi ako patient na tao, at lalong hindi mo ako mapapapila sa madaming tao. Pagdating sa city hall, as expected, puno. Akala ko, may magagawa ang dad ko dahil Brgy. captain siya. Perks ba. Pero wala. I had to fall in line like the rest of Lucena for seven aggravating hours.

Dumating ako ng 11am, at natapos ng mga quarter to 7 ng gabi. I had 2 bottles of C2 and Bread Pan for lunch. Binawi ko na lang sa dinner na liempo at chopsuey.

nung 4th hour ko sa pila, nagbalak akong umuwi na lang at wag na magregister. Pero naalala ko ang sabi ng dad ko na dadating daw ang time na voter's ID lang ang tatanggapin ng government, kaya importanteng magregister ako. Naalala ko din ang pangako ko sa isang kaibigan na si Noynoy ang iboboto ko. Naalala ko din ang 4 hours na ipinila ko---na mapupunta lang sa wala pag umalis ako.

Sabi nga ng isang quote, "If you are about to give up, think about the reason why you held on for so long..." Totoo naman eh. Lahat ng ginagawa nating bagay sa mundo, may motivations. Sa haba ng pila, katext ko lang si Kookai, medyo napaikli niya ang waiting line kahit paano.

Medyo may sense of fulfillment din naman nung napicturan na ako. Pero ang hindi ko lang matanggap, na may ibang nakapagrehistro sa loob ng isang oras lang, tulad ni Miko at Kookai. nainggit ako. Ahahah!

**

Kahapon, pagdating ko dito, natambakan agad ako ng madaming trabaho. Tulad nung tita ko na may pinapaedit agad na video. May isang tita, nagppaconvert. Mom ko, nagpapaphotoshoot para sa panibago niyang tarps and posters. Dad ko, nagpagawa ng speech niya para sa barangay. Tita ko, nagpaayos sa akin ng camera. Radiator ng kotse, ako pa din ba mag-aayos?

Speaking of car, ipapadala na sana sa Manila yung Ford eh, yun nga lang, saktong bumigay yung radiator. POTA! P10,000+ ang brand new. Pinarepair na lang muna ni dad temporary. Ayun nga lang, hindi pwedeng ibyahe ng malayo. So dito pa din si Ford sa Lucena.

**

Speaking of the tarps na pinapagawa ni ma, pinipilit niya akong magpicture gamit ang digicam na hindi naman kagandahan. Hindi niya magets yung point ko na ayaw kong picturan yung mga pagkain at gawing bagong menu board dahil pangit nga yung kakalabasan nung picture. Sabi niya okay lang daw kahit malabo yung pics, sabi ko hindi okay.

"Sayang naman yung mga tama kong inaral kung gagawa din ako, eh mali pa."

Hindi niya magets na pag pangit yung shot, pangit talaga. Pinipilit niyang i-edit ko sa Adobe lahat. Dahil napikon ako, sabi ko tuloy,

"Pag sunog yung chicken sa picture, hindi ko kayang i-edit yan para hindi maging sunog."

Akala niya, kaya ng computer gawin lahat. Kung si ANgelica nga naman, napapapayat sa FHM cover, paano pa ang simpleng manok? Point taken, pero hindi ko vinalidate.

Sumama ang loob ko dahil depressed ang mom ko. Ang tagal daw niya akong hinintay umuwi para ipagawa yung tarps, tapos hindi ko daw ginawa. Ang purpose ko lang naman ng pag-uwi eh makita sila. Yun lang. Sad, hindi niya ata narealize yun. Kaya tuloy ang bigat ng loob ko tuwing umuuwi, kasi ang daming pinapagawa sakin.

Sabi niya: "Hindi naman kailangan maganda eh. Basta mapalitan yung posters."

"Eh di sana hindi na lang ako ang gumawa. Hindi ako gumagawa ng hindi maganda..."

Malungkot ako dahil I made her sad, pero wala akong magawa, pugak talaga yung camera niya.

**

Buti na lang, paguwi ko, available na ang grades via ELEAP. At wala akong bagsak! Happy thoughts kahit paano. Haaay.

Nang-uupdate lang.

No comments:

Post a Comment