Wednesday, May 30, 2012

TRUST

Today, I've been up all morning trying to work on my VISA. My ITR's been on hold since last week, kesyo nasa Pampanga pa daw, hindi pa nagmeemeet yung kausap ko at yung kausap niya from BIR. Today, I gave myself a deadline, na kailangan ko na makuha ang ITR ko for my Taiwan VISA, went to BIR, hinanap ang contact, ayun, tapos agad. Wala pang isang oras.

I feel kind of helpless today dahil sa dami ng bagay na hindi ko kayang gawin. Yung pakiramdam mo, anjan naman sa paligid mo yung mga taong pwedeng tumulong sa iyo, but they don't. So sa huli, ako lang din pala ang pwede kong pagkatiwalaan. Just me.

Maraming nag-ooffer ng tulong, pero sila yung hindi ko inaasahan ng tulong. Yung pakiramdam mo hindi genuine yung pangangamusta? O baka naman sila pala ang makakatulong talaga sa akin, hindi ko lang kinoconsider, kasi nakatutok ako doon sa mga taong gusto ko. Baliktarin ko kaya ang mundo?

Inisip ko din na lahat ng nakakatulong sa akin noon, may sari-sariling problema na din ngayon. At ako naman, ang dating hindi problemado, naghahanap ng matatakbuhan at makikinig sa akin ngayon.

Gusto kong buhayin ang religious side ko, dahil feeling ko kailangan ko na si Lord sa buhay ko ngayon. Umattend ako ng The Feast last Sunday, at nakita ko kung gaano ka-active ang mga tao doon. Nandun pa yung kras ko. HAAHAHAH! #bwiset

Pag may opportunity sa Feast, I think I will grab it, at pipilitin kong isingit sa schedule ko. Kakalimutan ko muna ang mga tao sa paligid ko. Lahat sila. Dahil kung ako, ginawan ko ng paraan mag-isa ang problema ko, mas kaya din nila.

And so with that I leave you this quote I saw on Tumblr. AHAHAH!


No comments:

Post a Comment