Kagabi, di ako mapakali. After ng workshop namin, nagpagupit kami ni ER, nagkape, kumain ako sa Naci at umuwi ng bahay. When all of a sudden, naalala kong naiwan ko pala ang kotse ko sa office dahil coding.
Sabaw ako buong araw marahil na din sa disappointments ko sa mga tao na sinasarili ko lang. Sabihin ko na lang kaya sa kanila na nasasaktan ako? Na nakakasakit na sila? Iniisip ko kung magpapaka-kaibigan ba ako sa kanila o wag na lang. Eventually, naisipan kong wag na lang. Dahil ayaw ko ng gulo, ayaw ko ng away. Kaya naman sa huli, eto ako, lahat tinitimpi.
Gusto ko ng panibangong responsibilidad, hindi trabaho, gusto ko sana yung mabigat. Oo, gusto ko na magka-anak. Pero ang tanong jan, nakahanda na ba ako?
Kulang pa ang inipon kong pera para makapagtaguyod ng isang pamilya. Kulang pa din ako sa mapapangasawa, or worst case scenario, mabubuntis. Sa tingin ko, game ako sa ganun, walang kasal, pero may anak kami. Masama ba akong tao?
Nalungkot ako kagabi daihl naiwan ko ang kotse ko. Hindi ako ganun kasabaw dati, anyari?
Dumaan ako sa blessed sacrament at nakipagusap sa Kuya ko. Di Siya masyado responsive kagabi. Baka maling mga tanong ang binabato ko. Or baka naman alam ko na daw ang sagot, ayaw ko pa lang harapin.
Uminom ako sa Nommu mag-isa, nanonood sa isang grupo ng mga babaeng akala ko mga taga Culiat, pota, conyo all the way pala. Hindi sila nagtatagalog, at ang punctuations nila ang ang salitang "like".
"Like, I know right? Like yeah!"
Ayaw ko ng ganung asawa. UNLIKE.
Naniniwala ako na nanjan lang sa paligid ang taong para sa akin. At isang araw, kakalabitin niya ako at sasagutin lahat ng mga tanong ko sa buhay.
"Kaisa ng aking puso, ako po si Wado, na nagsasabing hindi natutulog ang pag-ibig 24 oras." Dahil kahit pagtulog ko ng mahimbing, naaappreciate ko.
Isa ngang chick flick jan!
Ganda ng twist sa huli. LIKE! hahaha
ReplyDelete