Today, I went to visit a family friend at the hospital. They're not financially blessed, so they're staying at a public hospital. Walked through open wards and patients fanning themselves to comfort. If I would be checked in here, I don't think I'd feel better.
My Tita Fely has bruises all over her body, been bed-ridden for two months now. But despite her weak body, she managed to keep her rock and roll attitude.
ME: Ano gusto mong kainin?
TITA: Chicken curry.
She could hardly speak, so most of her response came in soft whispers.
ME: Eh hindi ka naman nakakanguya eh. Wala kang ngipin.
TITA: sinong may sabi?
And then she opened her mouth and gave me a toothless smile.
Everyone in the room laughed.
Before we left, I promised to bring her the chicken curry she wanted once she gets out of the hospital.
She agreed to get better for me.
ME: Kitakits!
TITA: Kitakits.
And she gave me a struggling wave that lasted for at least thirty seconds.
***
Today, I looked back on my past loves. Nagtapat kasi sakin yung officemate kong bakla, na mahal na mahal daw niya ako. At binabasa din niya itong blog ko, so good luck naman sa iyo. LOL. Sinabi niya na sa hierarchy daw ng pag-ibig sa buhay niya, kasama ko daw ang nanay niya sa number one. Inexplain niya sa pamamagitan ng mahahabang text messages kung bakit. Narealize ko sa gitna ng frustrations niya sa buhay, parang familiar.
Then it hit me, ah, nanggaling na ako doon, twice. Isa nung highschool, isa nung college. May dalawang tao din akong pinantay sa nanay ko. Eventually, I gave up dahil hindi ako sanay na humahabol. Ako madalas ang hinahabol. Hindi ako sanay na hind makuha ang gusto ko. Pride din ang nagpalaya sa nararamdaman ko para sa kanila. Yung isa, working girl na sa makati, yung isa naman, nasa ibang bansa na.
Good.
Narealize ko din kung gaano ako kalakas. Dahil nalampasan ko ang stage na yun sa buhay ko. Na hindi ko inakalanag matatanggap ko. Yung pakiramdam na buo na yung future ninyong dalwa sa utak mo, hanggang kamatayan na. Good job Wado!
***
So nasa ospital nga ako kanina, namiss ko yung mababaw kong pangarap dati. Sabi ko, gusto kong tumira sa isang maliit na kwartong gawa sa kahoy, tapos papasukin ng street lamps mula sa labas yung kwarto ko sa gabi, orange. Tapos maninigarilyo ako habang umiinom ng Red Horse, habang nagsusulat ng blog.
Hindi ko sinasabing ayaw ko ng buhay ko ngayon, gusto ko din yung pagtatravel ko sa ibang bansa, kain sa mamahaling resto, bili ng magagandang damit at sapatos. Pero one side sa buhay ko, gusto maging simple.
Gusto kong mag photowalk sa Ermita gamit ang film camera na bigay ng tita ko. Ipiprint ko at ididikit sa pader kong kahoy. Pipicturan ko ang syota kong tulog sa kama ko, uubusin ko ang 36 shots ng film camera ko sa kanya. Gagawan ko siya ng album.
Sasakay kami ng bus papuntang Vigan, tren papuntang Bicol, RORO papuntang Palawan. Bibili kami ng apartment at doon papalakihin ang anak namin. Dalawa.
Shit. Namiss ko ang mga simple kong pangarap.
Anong nangyari?
RANDOMS.
No comments:
Post a Comment