Pagkatapos ng mahabang panahon, nakausap ko ulit ang nanay ko sa trabaho na si Mam Faye bilang isang nanay at hindi isang boss. Over ice cream, nagkwento siya about school stuff, mga konting personal na bagay. Sa kahabaan ng kwentuhan namin, naalala ko yung mga dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho ko, at kung bakit hindi ito ang tamang trabaho para sa akin.
Napag-usapan namin ang tungkol sa thesis, ang mga techniques for research, data analysis etc. habang nagkukwento siya, puro "parang naaalala ko nga yan" ang pumapasok sa isip ko. Nalimutan ko na ang mga pinag-aralan ko noong college. Na feeling ko, dapat nagagamit ko sa trabaho.
Hindi ko alam kung good thing ito or bad. Maaaring napatunayann ko na hindi lahat ng matututunan mo ay nasa loob ng classroom. Dahil kumikita naman ako ng malaki, pero hindi ko ginagamit ang mga inaral ko. Pwede din namang nag-sayang lang ako ng pera sa school, sana nag masteral na lang ako sa graphics. Mga ganung bagay.
Pero one thing is for sure, pakiramdam ko, nabobo ako sa trabaho ko. Gusto ko tuloy ulit mag-aral. Gusto ko na ulit mag-aral.
Nakwento ni Mamita tungkol kay Gelli at ang kagustuhan niyang kumuha ng second course. Interior designing. Malayo sa Commarts, pero passion niya. Naisip ko din tuloy, what if mag culinary na ako? Once and for all, para lang wala na akong what if's sa buhay. Kung maaalala ninyo, muntik na akong magshift noong 2nd year high school sa isang culinary school. Gusto ko talaga magluto, both my parents are good cooks. Feeling ko may namana ako sa kanila kahit konti.
Ayaw ko na maging editor. It pays well, pero hindi ako tumatalino, nabobobo pa ako. Ang pagiging headwriter, alam kong hindi din nakakatalino.
Kung pasukin ko kaya ang mundo ng advertising? Kaso sana hindi na dito sa Pinas.
Kailangan ko na yata mag soul searching ulit.
Pero teka, parang andami ko nang soul searching moments, wala pa naman talaga akong nahahanap?
I willl give myself until June 22. Kailangan ko ng malaking pagbabago sa buhay. Kung wala, kasalanan ko na yon.
June 22.
I believe you're destined for greatness. I hope you'll find whatever you're looking for and discover what you're destined to do. I hope you'll be able to find a passion that consumes you and after finding it, I pray that God will give you the strength and courage to pursue it and make it happen. God bless you on your soul searching journey!
ReplyDeleteawwww, thanks Anon. =D Sana nga makita ko na din. <3
ReplyDelete