Friday, February 17, 2012

Socialite

Noong bata ko, akala ko magandang pangarap ang magkaroon ng sariling sari-sari store, maliit na grocery. Kasi sa ganung klase ng lugar ako lumaki. Madumi, magulo, parang Tondo. Pagtapak ko sa highschool, nagbago na ang isip ko. Sabi ko, gusto ko maging professional. Doktor, piloto, basta white collar job, at mataas ang sweldo. Gusto ko naman magkaroon ng townhouse, kotse, at naka attache case ako pagpasok sa opisina.

Nung college, nagbago na naman ang tingin ko sa buhay. Gusto ko na ngayon tumira sa isang trailer van, bumyahe sa malalayong lugar, magpaint, magsulat, gumawa ng mga kanta, magtanim sa sarili kong bakuran. Mahirap akong mahalin, kaya naman sobra na lang ang pagpapasalamat ko sa mga taong nandyan pa rin para sakin, nagmamahal at sumusuporta.

Hindi talaga marunong makontento ang mga tao, totoo yan. Karamihan though, discontentment dahil kulang na kulang sila sa kung anong meron sila. Iba yata yung sa akin, overwhelmed ako sa mga bagay, kaya mas gusto kong bawasan. Mas naaappreciate ko na ngayong yung mga simpleng bagay. Dun ako mas sumasaya.

Kahapon, gusto akong i-setup ng showbiz friend ko sa kaibigan niya. Si --- --.

"Wow, sobrang sikat nya!!! Parang di ko naman kaya..."

"Gwapo ko naman at mabait, kaso gusto niya late 20's to 30 years old."

"Tumaas naman ang tingin ko sa sarili ko bigla."

"At least pasok ka sa choices namin."

"Thanks, compliment talaga yan for me! Salamat!"

Socialite si --- --, at sigurado kong hindi ko kayang i-maintain ang isang taong tulad niya. Lalo pa at niresearch ko ang mga sikat niyang ex. Hindi ko talaga kaya.

Naalala ko yung parte ng buhay ko na napabarkada ako sa mga Alabangers. Nag-eenglish ako madalas, tumatambay sa mga lounge at doon umiinom, kwentuhan tungkol sa chicks, sa sports, news, ewan. Hindi ko na din halos maalala, at lalong ayaw ko nang alalahanin. Masaya siya for a while, pero nakakapagod din lalo na't alam mo na hindi ka para doon.

May napanood akong Vimeo video na inupload ni Victor Basa, surprise birthday nung isa nilang tropa, Alabangers ang umattend. SInubukan kong isipin na kasama ako sa party nila, after a while, napangiti na lang ako. Sabi ko sa sarili ko, SRSLY?

Sigurado na ako sa kasimplehan ng buhay na gusto ko. Masaya ako kapag naglalakad, masaya akong nakikipagkwentuhan sa mga tambay, masaya ako sa pagkain ng kuhol at hindi escargot, masaya ako sa ulan, sa alon ng dagat, sa tunog ng tren na paparating, sa inihaw at sa amoy ng basang damo.

Ako si Wado, at ito ang kwento ng buhay ko.

No comments:

Post a Comment