Sunday, February 27, 2011

Welcome March

Ang bilis dumaan ng isang buwan. March na agad. Pero parang pakiramdam ko, antagal na nung huling pasko. Kung magpapasko na next month, hindi ko sasabihin na "aba, pasko na agad?". Eto siguro yung feeling na so near yet so far, na hinaluan ng ang bilis ng panahon.

Nararamdaman kong magiging chaotic ang buwan ng March ko. At kung hindi ako nag-uupdate ng blog ko for the past few weeks, mas lalo na siguro next month.

In ten days, aalis na ang panganay kong kapatid para pumuntang Europe. Doon na siya magiging nurse. Malaking pagbabago ang hatid nito sa pamilya ko, I'm sure. Panibagong adjustment para sa nanay ko. Sana it works for the best.

In 24 days, aalis kami papuntang Singapore. Ang supposedly family trip namin, ay binago ng maagang paglipad ng ate ko. Kasama siya sa booking ng tickets, pero dahil sa biglaang twist ng kapalaran, lima na lang kaming pupuntang Singapore.

In 30 days, magsisimula na ang World Stage sa Malaysia at Singapore. ito ang unang pagkakataon na magtatrabaho ako overseas. AHAHAHH! Pakiramdam ko tuloy ay OFW ako. NOT. Na-eexcite akong makatrabaho ang mga bata mula sa ibang bansa. Ito ay opportunity na din para sa akin ang aralin ang kultura ng mga bata mula sa iba't ibang bansa.

***

Kahapon, tumakbo ako sa EDSA run, 5k. Nakakagulat kasi hindi ko inaasahang matatapos ko ang 5k nang hindi humihinto. Iba din pala talaga kapag may goal ka. Ibang drive yung nanggagaling sa iyo. HIndi adrenaline kundi yung inspired ka na matapos, kasi may goal.
freebies

Natatakot akong tumakbo nung una kasi kahit sa treadmill, 1k pa lang, hingal na ako. Paano pa kaya kung 5k? EDSA run was a revelation. In 38 minutes, natapos ko ang 5k run. Achievement para sa akin.

Kahapon, dapat ay reliever lang ako sa pagiging teleprompter sa bagong game show ng TV5 na Lucky Numbers. Host nito si Eugene Domingo at Keempee. Sinabi din ni Ate Beng kahapon na regular na daw ako. Another blessing. Bagong pamilya sa Kapatid network, bagong show, at wala akong masabing masama sa mga katrabaho ko.

Andun at sobrang down to earth na artista na si Uge, ang maalagang staff, si Ms Gracia na habangbuhay kong kaaldalan sa prompter area, masayang ambiance. Hindi ko maipaliwanag. Iba din siguro kapag mas matanda sa iyo ang mga katrabaho mo, inaaalagaan ka nila. Sa HT kasi, halos ka-edad ko ang mga staff. So more on barkada ang tinginan namin sa isa't isa. Kapatid. Walang mas lamang, sadyang magkaiba sila.

Kumbaga sa english, apples and oranges.

Ganito pala ang feeling na may goal ulit sa buhay, nakakagana. I must have done something right again to deserve this second shot at life.

Welcome March. Embrace me for now I am more driven, more competent, and more, blessed.





No comments:

Post a Comment