Friday, February 18, 2011

The Return of Inday: Nahihilo ako


Nilapitan ako ni Inday kaninang umaga at sinabing

Inday: nahihilo ako.

Ako: Bakit?

Inday: Mataas BP ko eh. Nagpatingin ako nung Lunes.

Ako: Saan?

Inday: jan sa may palengke, sa gawaan ng salamin.

Ako: Sino kasama mo?

Inday: Yung katulong jan sa tapat.

Ako: Tapos nahihilo ka pa rin?

Inday: oo. 160/100 ako nung lunes eh.

Ako: Tara, patingin ulit tayo.

Sa kotse, umupo si Inday sa likod.

Ako: dito ka nga umupo sa harap. Ginawa mo pa akong driver.

We went to check with UDMC

Inday: Wag jan, mahal.

Ako: ok lang yun!

Inday: BP lang gusto ko mapatingnan. Sa clinic na lang tayo. Pag ospital, baka malaman pa yung
iba kong sakit.

Ako: Ok. Tayo na sa barangay.

SARADO. Congratulations sa kapitan ng Brgy Don Manuel.

Inday: Wag na nga lang.

Ako: Ano ka ba, pag namatay ka sa bahay. Hindi ko alam gagawin ko. Para maagapan.

Isang kanto, may maternity clinic.

Ako: Dito na lang tayo magpatingin.

Inday: Bakit may pictures ng baby?

Ako: Pang mga buntis kasi ito. Baka buntis ka pala kaya ka nahihilo.

Inday: Wag naman sana.

ANAK NG TOKWA!

ahahahh!
***
We ended up with a P20 BP check, a 130/90 BP, and a more calm Inday on our way home.

No comments:

Post a Comment