I've always wanted to travel, kaso nga lang, limitado ang pera at kaalaman ko sa iba't-ibang lugar. Pero I know, eventually, matututunan ko din ito, lalo na kung makakapagtravel talaga ako. Ang traveling kasi ay yung mga bagay na you-have-to-experience-it-before-you-know-how-it-is-like. Pero siyempre, gusto ko munang travel-in ang Pilipinas above others.
Sa nalalapit kong birthday, nabanggit ko kay ma na gusto kong gift sana ay pera para makapag-biyahe ng malayo. Gusto ko sa harap ng beach, magsusulat ako, iiyak, iinom, at mmanunood ng mga taong nagbabakasyon. Gusto ko yung pakiramdam ng naliligaw, naghahanap, at sa huli ay uuwi ka sa bahay mong inaasam.
Kakaiba nga siguro itong trip ko sa buhay, pero sa ganitong bagay ako nakakahanap ng totoong silence. Hindi tahimik sa isang kwartong solo mo, hindi tahimik ang isang lugar na kilala mo. Tahimik ang lugar kung saan sarili mo lang ang maririnig mo.
I want to be one with nature, I want to travel. Sana, sa 21st birthday ko, magawa ko ito. Lord, anong magandang gawin?
No comments:
Post a Comment