Kanina, may isang social experiment na naman akong nagtapos. Ang cook namin sa resto na si Manong ay araw-araw kong binabati. Tuwing pupunta ako doon para kumain, sunduin si mom, or anytime na mapapadaan ako, binabati ko siya. Kanina, pagsundo ko kay ma, hindi ko siya tiningnan. After noon, mukha na siyang hindi mapakali. Tingin ng tingin everytime may chance, hanggang sa after 5 times niyang lingon, I gave him a nod. Natahimik din siya.
Ang tao talaga, kahit maliit na bagay, basta’t nakasanayan mo, mahirap alisin sa sistema mo. Kaya naman totoo ang kasabihan na ang batang pinalaki ng tama…matangkad! Haha. Kung ano ka sa labas, most likely ganoong klaseng pamilya meron ka. Basagulero ka man at gago, malamang pinaglihi sa WWII ang pamilya mo. Pero kung mabait ka naman, baka magaling magtago ang parents mo kapag nag-aaway, at puro halik ni lolo at pamasko mula kay tita ang natatanggap mo. Which is a good thing,, dahil kailangan ka ng mundo ngayon, good people.
Kaya naman naisip ko, pwede din pala talagang pag-aralan ang pag-ibig. Oras na makasanayan mo ang isang bagay, mahirap nang alisin sa sistema mo. Positive man o negative ang pagtanggap mo dito, apektado ka oras na mawala ito. May tropa ako dati, laging pinaglalaruan ang tastas na butones sa polo niya. Isang araw, nalaglag ng tuluyan yung butones. The following week, nakikita ko siyang hinihimas ang used-to-be place ng butones. Tinanong ko siya tungkol dito, sabi niya, hindi daw siya aware na ginagawa niya yun, at may tulad ko daw pala na masyadong mapansinin sa mga walang kwentang bagay. Tropa ko pa din siya hanggang ngayon, despite that compliment.
The butones applies to the nagging stalkers na hindi ka tinitigilan 24/7. Tawag ng tawag, flooding sa text, sinasalubong ng bouquet ang umaga mo, sinisingitan ng love letters and poems ang libro mo, ginagawan ka ng kanta, at araw-araw dumadalaw sa online site mo just to check on you! Tulad ng tropa ko at ng butones niya, unconsciously, we check on our stalkers everyday, kung vi-niew ka ba niya, or kung may 13 missed calls ka mula sa kanya. Kapag nawala ang lahat ng ito, pwede tayong ma-relieve, dahil sa wakas, wala nang freaky stalker, na sa wakas, hindi ka na maco-conscious sa galaw mo dahil wala nang nakatitig sa iyo. But at the back of your head, magtatanong ka kung bakit siya nawala. Nagkasakit ba siya, na-confine sa ospital, or worse, nakahanap ng iba!?
Oo, masasaktan pa din tayo kapag nag-move on siya at tayo ay hindi pa. Tao kasi, gusto natin ng affirmation mula sa ibang tao na oo, maganda at gwapo tayo, na oo, perfect ang katawan ko, na oo, matalino na ako at athletic pa! Through them, we measure our self value. Through them, we are able to verify na tama ang iniisip natin about ourselves. Mali kasi na isipin that we are beautiful, pero sa mata naman ng karamihan, saksakan tayo ng pangit. The point is, kapag may stalker ka, you are likeable. Yun na yun!
True love pa din kayang maituturing kapag ang isang lalaki ay nadaan lang sa pilitan ang babae? Yung tipong,” magpapakamatay ako kapag hindi mo ako sinagot”!? Yung mga couples na nakikita natin na:
“pare, ganda nung chick o, kaso mukhang tighawat yung syota! Sayang!”
“Siguro mayaman!”
Love sets its boundaries kasi. We choose who we want to love.
Sa totoo lang, lahat ng babae, ideal girl eh, pero tayo, we set our individual standards. Na kesyo dapat ganito ang height, ganito ang I.Q., na dapat maputi ang kili-kili. Kapag may nakita tayong pangit, automatically, isasarado na natin ang puso natin, at kahit kalian, hindi natin sila tatanggapin. Kahit sa mata ng marami, sila ang ideal.
In my opinion, mas maraming babae ang bulag kesa lalaki. Ligawan ka ng geek, mandidiri ka. Pero kapag si geek, nagka-girlfriend at tinransform siya into a hot guy, manghihinayang ka na hindi mo pa siya sinagot noon. Dahil lang kasi sa geek siya, sinarado mo agad ang puso mo. Hindi mo tuloy nakita ang hot-ness na nasa kanya na talaga noon pa man.
Madami tayong choices sa buhay, sa bilyon-bilyong population sa mundo, at sa dami ng nagdidivorce, sobra pa sa tatlo ang para sa iyo! Akala lagi natin na nauubusan na tayo dahil when we look at people, we use our eyes, and not our hearts. Pero kung puso ang gagamitin natin sa paghahanap, 9 out of 10 women, ideal. Sa loob ng isang bar, 90% doon, wife-able!!!
Women have better instincts because they are more sensitive and emotional, malapit sila sa puso.
You can never really go wrong when you listen to and follow your heart. Sa lahat ng advice na narinig ko, yan ang pinaka-effective. Sa ending ng halos lahat ng feel-good movies, laging sinusunod ng bida ang puso niya. Bakit? Dahil following our heart makes us feel good! Magkamali man tayo, mas acceptable, dahil sinunod natin ang sabi ng puso natin.
So the next time we see a couple na pangit yung isa, at yung isa hindi, don’t question them, but question yourself instead: “bakit ako wala?” –dahil ang taong in-love, sa sobrang in-love, lahat ng tao sa paligid ay sumasayaw, lahat ng tao ay meant to be, lahat ng tao ay nakalutang sa ulap, at silang lahat ay napapaligiran ng glitters and g-clefs! At ang love-less---Kontrabida!
No comments:
Post a Comment